^

PSN Showbiz

Mamasapano, parami nang parami ang artista

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mamasapano, parami nang parami ang artista
Atty. Topacio

Sa susunod na buwan ay isang taon na tayong nasa pandemic. Nabuburyong na ang karamihan, at inip na inip na sa ganitong setup ngayon.

Nasa GCQ pa rin ang Metro Manila at inaasahang pababa na ang COVID cases para gawin na tayong Moderate General Community Quarantine o MGCQ.

Kapag nasa ganung status na, mabubuksan na ang mga sinehan at sana nga maging normal na rin ang sitwasyon sa mga mall.

Hinihintay ito ng ilang producers na may entry noong nakaraang Metro Manila Film Festival, para maipalabas sa mga sinehan ang kanilang pelikula para kahit paano ay makabawi-bawi sa malaking pagkalugi.

Ang bagong producer na si Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films ay umaasang magbukas na ang mga sinehan dahil malaki ng pelikulang ginagawa niya, ang Mamasapano: Now It Can Be Told na parami nang parami na ang mga artistang kasali.

Nang nagsimula kasi itong movie production ni Atty. Topacio ay wala pa ang pandemic. At itinuloy pa rin niya dahil commitment daw niya ito sa pamil­yang naiwan ng mga nasawing SAF 44 at sa ating movie industry. “Mamasapano was conceptualized before the pandemic hit. So, talagang ang laki ng budget eh. Namumroblema nga ako kung papano mababawi.

“However, it is a commitment to the families of SAF 44. It is the commitment to the actors na nag-sign up na before the pandemic. It is the commitment to the industry and to the country,” pakli ni Atty. Topacio sa nakaraang presscon niya para sa anniversary ng Mamasapano.

Pero nakakapag-adjust naman daw at open naman daw siya sa ideyang ipalabas ito sa ano mang digital platforms.

Tingin naman daw niya ay mababawi niya ito, basta maparaan ka lang. “Kahit paano naman, maparaan ka lang, kumikita naman. And those who know me well I never go back on my word. ‘Pag sinabi kong gagawin ko, gagawin ko,” dagdag na pahayag ni Atty. Topacio.

Nagpapatalbugan nga sila ngayon ng bago ring producer na si Joed Serrano ng Godfather Productions na gumawa ng Anak ng Macho Dancer na ayon kay Joed, mahigit 100K tickets daw ang nabenta nila kaya bawing-bawi na raw siya rito.

Nakakatuwa lang daw sabi ni Joed dahil interesado na raw bilhin ito ng Netflix, Viva Films at Gaga O lala, pati ang GMA 7.

Aktres, lumayas na sa piling ng asawa

Nalulungkot kami sa kumakalat na kuwento tungkol sa young showbiz couple na nagkakalabuan na raw. Last month lang daw ay umalis na si aktres sa tahanan nilang mag-asawa at doon daw muna siya sa kanyang pamilya.

Sana hindi naman tuluyang iniwan na kundi nagpapalamig lang muna at maaaring nagmumuni-muni sa kalagayan nilang mag-asawa.

Sa ngayon ay ayaw pa muna naming paniwalaan kung totoo nga ito, pero nandiyan na ang pagdududa dahil ayaw mag-comment ng ilang taong malapit sa kanila. Hindi raw nila ito alam, at nagtatanong kung saan nanggaling ang balita. Pero napapansin na raw kasi ng ilang close friends nila na hindi na sila nagpu-post na magkasama silang dalawa.

 

Paolo, noon pa pINLano ang mini park ng anak

Tuwang-tuwa si Paolo Contis na natapos na nila ang ipinagawa nilang mini park sa may bakanteng lupa ng bahay na tinutuluyan nila ni LJ Reyes.

Nakakatuwa raw na nai-enjoy na nang husto ng anak nilang si Summer ang pag­lalaro rito.

“Matagal ko na talagang plan iyon before pandemic na gawan siya ng playground. Ina­butan lang, pero na-feel ko na mas need niya now, kasi nga, ‘di siya makalabas na… bored na bored na siya! Ha ha ha! So, ‘yun ang naisip namin gawin for her,” text ni Paolo sa akin.

Mabuti at may mga naipon silang mga laruan ni Summer at nagdagdag na lang sila ng konti para makumpleto na ito. Tiniyak nilang safe iyon na hindi masusugatan si Summer kapag nada­dapa sa paglalaro. “Hindi naman kami sobrang nagastos, kasi, hindi naman sabay-sabay binili. ’Yung iba naman, dati na niyang laruan.

“Nu’ng complete na ‘yung laruan, saka ko lang pinagawa ‘yung grass,” sabi pa ni Paolo.

vuukle comment

MAMASAPANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with