Dating beauty queen/actress, buhay mayaman sa piling ng mahiwagang karelasyon

Naku, Ateng Salve, true kayang ­living in style ngayon courtesy of a mystery rich guy ang former beauty queen turned showbiz personality na ito?

Ang tsika kasi, may dalawang new prime property ang girl na ito.

Ang bongga rin daw ng sasakyan ngayon ni former beauty queen turned showbiz persona­lity, kaya ang mga malalapit sa kanya ay nahihiwagaan.

Actually, very secretive nga raw si girl dahil mismong malalapit na friends niya ay hindi malaman kung sino ang karelasyon niya.

Ang tsika lang nila, kapag sinusundo raw si former beauty queen turned showbiz personality ng mystery rich guy, puro bodyguards lang daw ang nakikita nila. “Hopefully, walang sabit kung karelasyon niya ngayon at sana mapakasalan siya,” sey ng isang friend ni former beauty queen turned showbiz personality na nakatsikahan ko.

Well… well… well…

Alam mo, Ateng Salve, may isa rin akong nakatsikahan na close kay former beauty queen turned showbiz personality at ang duda niya, ‘yung isang producer na nagbigay ng pelikula kay girl ang karelasyon niya.

Pero, hindi ba, may kakuriputan din naman si producer? Don’t tell me na pagdating kay former beauty queen turned showbiz personality ay naging galante ito, huh!

Hmph!

Janine, tuloy ang pagtulong sa pamilya

Ang bait din talaga ng new Kapamilya star na si Janine Gutierrez.

Naikuwento ni Diego Gutierrez na hanggang ngayon ay tumutulong sa kanilang pamilya ang kanilang ate.

Actually, right now raw ay pinare-renovate ni Janine ang kanilang house sa Fairview, Quezon City. Sabi ni Diego, “Sobrang matulungin si Ate Janine sa amin. Pinare-renovate namin ang house ngayon at project niya ‘yon.

“Actually, ipapakita niya ‘yon sa vlog niya, kaya abangan n’yo ‘yon!” sey ni Diego.

Naikuwento rin ni Diego na very generous sa kanila si Janine, pero hindi naman daw spoiler ang kanyang ate. Magaling lang daw magregalo sa kanila si Janine. “Si Ate Janine kasi, kapag may binigay siyang gift sa amin, talagang ‘yung gusto namin. Magaling siyang pumili ng gifts,” sey ni Die­go.

Anyway, sobrang saya rin si Diego dahil very proud sa kanya si Janine lalo na ngayong regular na siya sa ASAP Natin ‘To.

Masaya rin si Janine na sa February 5 na lalabas ang single niya na On A Dream na puwedeng mai-download for free sa Spotify, Apple Music at Amazon Music.

Isa nga si Janine sa nagpo-promote ng first single ni Diego, kaya very thankful ang singer/basketball player sa kanyang ate.

Ang bongga! ‘Yun na!

Show comments