^
Sharon, prinotesta ang pagsasama nila ni KC sa ASAP
Sharon

Sharon, prinotesta ang pagsasama nila ni KC sa ASAP

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

Kinorek ni Sharon Cuneta ang lumabas na anggulong magkakaroon siya ng birthday celebration sa ASAP Natin ‘To na mag-uumpisang mapanood sa TV5 sa Linggo.

Ayon kay Sharon, hindi siya nag-yes.

“Wala po ako sa A.S.A.P. sa Sunday! I don’t know why lumalabas sa social media na guest po ako sa A.S.A.P. this Sunday when di naman po ako nag-‘Yes’ sa pag-guest at di ko alam pang-birthday ko pala dapat yun, kasi patapos na ang buwan, at dahil may work po ako that day at yun lang po ang gusto kong gawin.

“Ayoko din yung nadadamay pa pati si KC na lalabas ba siya o kung anuman. Para tuloy di mo alam kung celebration ba dapat o para kayong pinaglalaruan mag-ina? I love my A.S.A.P. family (I love MR. M MOST OF ALL. Pero NAWALA NA SIYA DOON.) but this is upsetting. Kasi pag di ako lumabas, eh di ako pa po ang lalabas na masama? Nananahimik po ang buhay ko.

“The stars of ASAP have nothing to do with this. I am sure the staff meant well by asking me to guest. Unfortunately, this is still unfair to me,” ang buong pagkokorek ni Sharon na nag-birthday last January 6.

Si Janine Gutierrez ang balitang magkakaroon ng welcome party sa ASAP Natin ‘To bukas ng tanghali sa unang episode nito sa TV5 na kapipirma lang ng contract sa Kapamilya channel.

 

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with