^
Unang fancon ng BGYO, mangyayari na sa Enero 29
BGYO

Unang fancon ng BGYO, mangyayari na sa Enero 29

(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mangyayari na ang pinakaaabangan na formal launch ng pinakabagong P-Pop group na BGYO na Be The Light: THE BGYO Launch sa darating na Enero 29 sa KTX.PH.

Pinamagatang Be The Light: THE BGYO Launch, an online event ay punung-puno ng kasiyahan dahil hatid nito ang kaabang-abang na performance ng grupo, mga video na nagpapa­kita ng kanilang paglalakbay patungo sa kanilang launch, at pati na rin ang paglulunsad ng music video ng kanilang unang single na The Light.

Ang online event ay ang kauna-unahang fan conference ng BGYO, na magbibigay ng pagkakataon sa mga fans na makahalubilo ang kanilang idols at sumali sa ilang fun games.

Mabibili na ang tickets sa fan conference sa halagang P499 sa KTX.PH.

Ang BGYO ay binubuo nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Natem na dating kilala bilang SHA Boys. Nahasa sila sa Star Hunt Academy, na nagha­handa sa artists na gustong maging international star.

Maaari nang i-follow ang BGYO sa kanilang official media accounts: bgyo_ph sa Twitter, Facebook, at Instagram samantalang @officialbgyo naman sa TikTok at BGYO Official sa YouTube.

Higit na sa two-million views ang nahakot ng kanilang It’s Showtime performance. Nakita na rin ang kanilang husay sa ASAP Natin ‘To, ABS-CBN’s Ikaw ang Liwanag at Ligaya Christmas special, pati na ang KTX: Ang Babait Ninyo Christmas Special pre-show at sa PBB Connect Opening Night.

Ang BGYO members ay ilan sa mga bagong dagdag sa Star Magic, kasama ng kanilang sister group na BINI, na hinasa rin ng Star Hunt Academy nang dalawang taon.

P-POP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with