^
Alex ânaputukanâ na, kasal kay Mikee last November pa!
Alex at Mikee
STAR/ File

Alex ‘naputukan’ na, kasal kay Mikee last November pa!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

In-enjoy muna nina Mikee Morada at Alex Gonzaga ang kanilang kasal bago nila inilantad sa social media kahapon na Mr. & Mrs. Morada na sila last November pa.

Kaya ang bati kay Alex ng parody account ng mommy Pinty niya “Congrats to my bunso! Pwede na maputokan.”

Sagot ni Alex : “Anong pwede na? Tapos na!”

Kung sabagay November pa nga naman kaya kung anumang ‘putukan’ ‘yun, ay tapos na tapos na.

Sa vlog nga ni Alex ay inilantad niya na isa na siyang misis, maybahay habang nagso-sorry dahil ngayon lang nila inamin. “I’m very, very sorry netizens if hindi ko nai-share sa inyo agad ang mga nangyari. It’s because we wanted to celebrate together as a family muna and siyempre, alam namin na ‘yung timing din saka alam namin na may pandemic. We just wanted to keep it for ourselves for a little while to celebrate,” bungad ni Alex.

Dagdag pa niya, “masaya kami, alam ko na OA pero masaya. Happily married kami guys. Grabe ang saya! Finally nakakatabi ko na siyang matulog, nakakatulog na siya sa kwarto ko,” sabi niya habang katabi ang asawa.

Pero every weekend lang daw sila magkasama ngayon. Isang councilor si Mikee sa Batangas kaya may trabaho ito roon.

Pero tuwing magkasama naman daw silang matulog ay magkapatong sila. “Grabe ‘to matulog, laging nakadagan sa akin. Gusto niya, laging double deck kami,” sabi ni Alex.

Plano raw ng mag-asawa na magkaroon ng big wedding this year para sa kanilang family and friends. “Millenial Misis na ko!!  By God’s grace hoping to have a big wedding where we can ce­lebrate with friends and whole family this year,” ang sabi pa ni Alex na isinabay ang announcement sa kanyang birthday.

Kasama sa nasabing wedding noong November ang family lang nila na napanood pa sa vlog nito na milyunan na agad ang views.

November 2016 nang unang lumabas ang tungkol kina Mikee and Alex kung saan gusto pa noong mag-react ni Mikee sa inilabas kong story na galing siya sa pamilya ng old rich.

Kuwento kasi ng ever reliable source ko noon, may-ari ng mga bangko sa Lipa City, Batangas ang pamilya ni Mikee na good friend ni Piolo Pascual.

Agad namang nag-trending si Alex kahapon dahil sa nasabing kasalan at inulan ng libu-libong puso at pagbati sa social media.

ALEX MIKEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with