^
Mika, sobrang na-weirduhan nang makatrabaho si Nash
Nash at Mika
STAR/ ile

Mika, sobrang na-weirduhan nang makatrabaho si Nash

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatrabaho na ang magkasintahang sina Mika dela Cruz at Nash Aguas para sa isang product endorsement. Ayon sa aktres ay talagang kinabahan sila ng nobyo dahil ngayon lamang ito nangyari. “Nag-enjoy ako, noong una sobrang kabado kami ni Nash. Si Nash hindi na makapag-concentrate pero nairaos dahil okay ‘yung set namin. Everyone was so kind. Everyone was so warm. Ayun, nag-warm-up naman si Nash. Tapos maya-maya hindi na din siya kinakabahan. Sobrang nakakatuwa, sobrang naninibago kami ni Nash. Kasi ito ‘yung first time na nagkatrabaho kami na parang as kami. Sobrang weird kasi hindi naman kami mga showbiz na tao,” nakangiting kuwento ni Mika sa kanyang vlog.

Matatandaang nasabi noon ng magkasintahan na hanggang maaari ay ayaw nilang magkatambal sa isang proyekto. Ayaw nina Mika at Nash na mapaghalo ang personal nilang buhay sa ginagawang mga trabaho. “Hindi namin actually ginusto noong una na magkatrabaho kasi parang ayaw namin to be together para lang sa love team. So ayun, ginawa naming rule ‘yon na ayaw naming simulan na maging gano’n ‘yung setup namin. Para kung ano lang talaga kami, hindi mahaluan ng work at hindi mahaluan ng showbiz,” paliwanag ng dalaga.

Daniel at Kathryn, ayaw padikta sa nararamdaman!

Mag-iisang dekada nang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ayon sa aktor ay hindi kailan man naapektuhan ang relasyon nila ng dalaga kahit na maraming opinyon o sinasabi ang publiko tungkol dito. “’Yon ang hindi namin hinayaang mangyari, na diktahan ng tao kung ano dapat maging ano kami. Hindi dapat diktahan na maging kami, hindi pwedeng gano’n. Kung ano man ‘yung nakita n’yo sa huling sampung taon eh, totoo lahat ‘yon,” makahulugang pahayag ni Daniel.

Kahit matagal nang magkasintahan ay hindi pa rin umano nawawala ang kilig sa pagitan ng dalawa. “Siyempre iba ‘yung kilig ng dati, iba ‘pag bago pa, iba ‘yung kilig no’n. Ngayon more on, hindi naman basta ‘yung kilig. More on paano mo ba mapapakita ‘yung pagmamahal mo sa isang tao. ‘Yung kahit matagal na kayo hindi mo nakakalimutan ‘yung maliliit na impormasyon na importante sa kanya. Ibabalik mo lang naman sa gano’n. Sa mas maliliit na bagay. Kasi hindi naman kami materyosong tao. Matandaan mo lang ano ba ‘yung paborito niyang pagkain, paborito niyang bulaklak, paborito niyang chocolate. ‘Yon lang naman tapos maging consistent. Dapat consistent lang tayo lagi,” paliwanag ng aktor.

Para kay Daniel ay talagang si Kathryn na ang nakikita niyang mapapangasawa at makakasama sa habambuhay. “Yes, perfect siya for me. I will always say this, she makes me a better person. ‘Yon lang naman ‘yung sa akin. ‘Pag nawawala na ako sa sarili, binabalik niya ako nang binabalik. Masyado akong makulit na bata. Siya ang gumagabay sa akin, kumbaga siya ‘yung ilaw ko lagi,” giit ng binata.   (Reports from JCC)

MIKA NASH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with