^
Sen. Joel nadurog ang puso sa mga nakasabay sa Eat Bulaga
Joel Villanueva

Sen. Joel nadurog ang puso sa mga nakasabay sa Eat Bulaga

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

Matapos ang guesting niya sa Eat Bulaga last Saturday, hiniling ni Senator Joel Villanueva ang pagpapalawig ng edukasyon at kaalaman sa iba’t ibang mga paraan na maaaring takbuhan ng mga biktima ng domestic abuse, matapos marinig ang sinapit ng mga kalahok sa sikat na segment ng noontime show ng GMA 7.

Kinondena nga ng senador sa social media ang pagmamalupit na sinapit ng mga kalahok, na inilahad ang mga pagmamaltrato sa kanila ng mga partner sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga. “Nakakadurog po ng puso ang mga kwentong narinig natin. Ayaw po nating mangyari ito sa iba pang mga ina at mga kababaihan. Makikipag-ugnayan po tayo kina Dith, Michelle, Rhyza, Chelle, Len, Heidi at Jessan. Magpapadala po tayo ng abogado o anumang professional help kung kailangan!” say ni Sen. Villanueva.

Tinalakay sa Bawal Judgmental ang sensitibong isyu ng domestic abuse, kung saan ang pitong kalahok ay nakaranas ng physical, emotional, at psychological abuse sa kanilang mga kinakasama, maging sa mga kamag-anak ng kanilang mga partner. Inamin ng karamihan sa mga kalahok na tiniis nila ang abuso sa kagustuhang lumaki ang kanilang mga anak na buo ang pamilya.

Habang kinukuwento ng isang contestant kung paano pinainom ng kanyang biyenan ng alak ang sanggol niyang anak, sinusugan ni Villanueva ang payo ni clinical psychologist Dawn dela Cruz na agad na mag “disengage” sa abuser. Tumulong si Dela Cruz sa pagproseso ng sensitibong isyu kasama sina Sen. Joel at mga dabarkads.

“‘Yung violence against women, may batas po doon. Puwede po tayo humingi ng tulong sa ating barangay, sa ating kapulisan.

“Pangalawa, may anak din po ako, at hindi po natin pinapadapuan ng lamok ‘yan. Kung may lamok ay hindi tayo natutulog hangga’t hindi natin nadadale yung lamok dahil ayaw natin na makagat nu’n. Ayaw na ayaw natin makita ang kahit sino pa abusing our kids,” dagdag pa nito.

Dagdag pa ng senador, suportado niya ang isang panukalang batas na inihain ni Senator Nancy Binay, na nagpapalawig sa Violence Against Women and Children Law upang isama ang iba’t ibang uri ng pag-abuso gamit ang makabagong teknolohiya.

Pinuri naman ng senador ang Eat Bulaga sa pagtalakay ng sensitibong isyu, na nagpapatunay sa kahalagahan ng telebis­yon bilang konsensya ng lipunan.

JOEL VILLANUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with