^
Bea,gusto nang pag-asawahin ng ina
Bea Alonzo at Mary Anne Ranollo

Bea,gusto nang pag-asawahin ng ina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

Nakapanayam ni Bea Alonzo sa kanyang video blog ang inang si Mary Anne Ranollo. Naibahagi ng ina sa vlog kung ano ang pinakaayaw niyang ginagawa ng aktres partikular na pagdating sa pag-ibig. “’Yung pumapayag ka na niloloko ka, ‘pag nagpapaloko ka,” giit ni Mommy Mary Anne.

Matatandaang sina Zanjoe Marudo at Gerald Anderson ang mga naging kasintahan ng dalaga. Naitanong ni Bea sa ina kung sino ang pinakaayaw nito sa mga naging nobyo noon. “Oh! my God, tinatanong pa ba ‘yan? Jusko! Ayoko magsalita, pero ‘wag n’yo na itanong. Alam n’yo na ‘yan,” makahulugang pahayag ng ina ni Bea.

Napapabalitang si Dominic Roque diumano ang bagong nakikipag-date sa aktres ngayon. Mayroon namang tanging hi­ling si Mommy Mary Anne para kay Bea. “Ang makapag-asawa ka ng maayos na lalaki. Maging mabait, maging totoo at huwag babaero. Ang magkapamilya, soon sana. Makita ko kayong dalawang magkapatid na maayos na, pamilyado na. Do’n okay na ako, ‘yon ang pangarap ko. Sa love sana matuto ka na at natuto ka na. Sa life, alagaan mo sarili mo. Alagaan mo ang puso mo, anak. Hinay-hinay lang, ‘wag todo,” paglalahad ni Mommy Mary Anne.

Anak ni Jeric ‘di nagpapigil sa Pornstar...

Mapapanood sa pelikulang Paglaki Ko Gusto Kong Ma­ging Pornstar ang anak ni Jeric Raval na si AJ Raval. Kahit nagbida sa naturang proyekto ang aktres ay hindi naman daw suportado ng ama ang kanyang ginagawang pagpapaseksi. “To be honest never siyang naging supportive sa pagpapaseksi ko. We don’t talk. Pinapabayaan niya ako sa gagawin ko,” pagtatapat ni AJ.

Para sa sexy actress ay nasa tamang edad na siya at wala namang masama sa kanyang ginagawang trabaho.  “Nasa edad na rin ako. Mayroon na po akong sariling decision. This movie ‘Pornstar,’ hindi pa niya alam na ginawa ko. Expected ko na ang reaction niya. Alam kong ayaw niya ito kasi nga sexy,” dagdag ng dalaga.

Kabilang din sa bagong pelikula mula sa Viva Films ang mga nakilalang sexy actress noon na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor. Aminado si AJ na talagang nakaramdam siya ng takot sa mga beteranang aktres nang gawin ang pelikula. “I know sobrang expert na siya (Osang) sa acting at baka bawal kang magkamali. Pero sobrang bait ni Miss O. Kinabahan ako, excited at may takot. Veteran stars ang mga kasama ko. Baka may magawa akong mali at magalit sila. But they were all very supportive,” pagbabahagi ng baguhang aktres. Reports from JCC

 

 

 

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with