Chef Jose, natupad na ang pangarap

Chef Jose
STAR/ File

Para sa Kapuso chef na si Jose Sarasola, dream come true ang mapabilang sa isang cooking show. Itinuturing niya itong magandang blessing sa pagpasok ng taong 2021.

Kasama si Iya Villania, parte si Chef Jose ng bagong cooking show ng GMA Network na Eat Well, Live Well. Stay Well.

Sa press conference ng programa, ibinahagi ni Chef Jose kung gaano siya ka-thankful para sa mga natatanggap na opportunity bilang Kapuso, “It’s been really a whirlwind year for me. Moving to the GMA family r­eally opened a lot of doors for me. Nag-start siya sa Unang Hirit, which I am still doing up to this day pa rin. Other brands have been coming in.”

Mapapanood ang Eat Well, Live Well. Stay Well. simula ngayong Biyernes, 11:20 a.m., sa GMA Network.

Anyway, kasalukuyang nasa Japan ang girlfriend niyang si Maria Ozawa na matagal din namalagi sa bansa matapos magbukas ng bar. Pero nagkaroon nga ng pandemic kaya nagsara ang bar nito. Last April ay bumalik ng Japan si Maria Ozawa na kilalang bold star pero magaling daw itong magluto ng Pinoy dishes like monggo, tinola, and sinigang. “It’s also fun being in a relationship with someone na nag-eenjoy din sa pagluluto.”

Kahit LDR daw sila ngayon, wala naman silang problema dahil regular ang communication nila. “Communication is key talaga and with the apps now it’s helping.”

Show comments