Reality... ni Alden, ipalalabas na sa TV!

Alden
STAR/ File

Ngayong Linggo, January 17, puwedeng balikan ang sold-out at first ever virtual reality concert sa Pilipinas ni Alden Richards sa Alden’s Reality: The TV Special.

Matatandaang naging trending topic pa ang Alden’s Reality noong mismong concert date nito last December 8. Ngayong Linggo, may chance na ang mga nakapanood sa concert na kiligin at ma-expe­rience ulit ito.

Pero ang mas maganda rito, kahit ang mga hindi nakabili ng ticket dati ay makakapanood na rin dahil ipalalabas nga sa GMA 7 ang nasabing concert. Pati mga Kapuso abroad ay may chance ring makapanood dahil eere ito sa GMA Pinoy TV.

Show comments