^
Ruffa, Derek at Ellen, uulitin ang âpartyâ
Ruffa at Derek

Ruffa, Derek at Ellen, uulitin ang ‘party’

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

Para kay Ruffa Gutierrez, walang malisya at good vibes lang ang pa-dinner sa kanila ng neighbor niyang si Derek Ramsay at binibigyan lang ng kakaibang kulay ng ibang mga nagkokomento sa kanilang postings sa social media.

Kasama sa dinner na ‘yon na ginawa noong Monday night sa bagong bahay ni Derek sa isang posh village sa south of Metro Manila ang neighbor din nila na si Ellen Adarna, pati ang BFF ng hunk actor na si John Estrada, ang tatay ni Derek, isang kapatid, ang anak niya at ilang mga kaibigan.

Nang makausap ko si Ruffa, sinabi niyang there’s nothing wrong sa Instagram story na ipinost niya, na ipinost din naman nina Derek at Ellen.

Masaya lang daw sila at kung binibigyang kulay ‘yon ng iba, hindi na raw nila ‘yun problema.

Sinabi rin ni Ruffa na tawa lang nang tawa sina Derek at Ellen tungkol sa pagbibigay-malisya ng iba sa pa-dinner na ‘yon.

Saka hindi raw porke iniintriga ng iba ang tungkol doon ay hindi na nila uulitin ang ganoong get-together.

As neighbors daw, mas marami pa silang mga ganoong pagtitipon na gagawin.

Nabanggit din ni Ruffa na nababaitan siya kay Ellen at masaya itong kasama. Hindi rin affected ang actress/TV host sa komento ng iba na nadadawit pa ang pareho nilang ex, si John Lloyd Cruz.

Anyway, naikuwento nga pala ni Ruffa na hindi tuloy bukas ang pagla-lock-in niya para sa second cycle ng taping ng weekly sitcom nila for TV5, ang Stay In Love.

Moved to Monday raw ‘yon. Sa ngayon, abala si Ruffa sa pagda-diet at pag-exercise.

O, malinaw, Ateng Salve, abala si Ruffa sa pagda-diet at exercise bago ang lock-in taping uli ng Stay In Love at hindi niya pinagkakaabalahan ang tungkol sa mga komento ng iba tungkol sa pa-dinner get-together sa kanila ni Derek, huh!

Sa panahon nga naman ng COVID-19 pandemic, mas maganda na good vibes na lang para positive lang tayo sa life!

Agree, Ateng Salve?!

Joed, noon pa may crush kay Romnick

Ang bongga lang ng former That’s Entertainment member na si Joed Serrano.

After ng bonggang concerts na nai-produce na niya, sunud-sunod naman ang movies na gagawin niya. Nauna na ang Anak ng Macho Dancer na idinerehe ni Joel Lama­ngan at may 13 movies pa siyang ipo-produce, huh!

Nakakagulat ang pagiging pursigido ni Joed sa pagiging movie producer kahit na may pandemic pa, huh!

Kasama sa mga pelikulang ipo-produce niya ang life story niya, plus ‘yung Kontrabida na bida ang Superstar na si Nora Aunor at ang baguhang si Charles Nathan.

Type ko rin ‘yung My Best Friend’s Boyfriend na pagsasamahan daw nila nina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz.

Nakakaloka lang dahil sa isang interbyu ko kay Joed ay inamin niyang secret crush niya noong nasa That’s Entertainment pa lang sila ni Romnick. Noong pinagtatapat nga raw sila sa Seiko Films na pareho nilang mother studio noon, natatawa na lang siya dahil ang hindi raw alam ng mga tao ay hindi ang parehong ipinapareha sa kanila ni Romnick ang type niya kundi ang mismong aktor na ikinukumpara sa kanya.

Well… ‘Yun na!

DEREK RAMSAY RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with