^
Maymay, todo rampa sa Dubai
Maymay

Maymay, todo rampa sa Dubai

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2021 - 12:00am

It’s nice to be back, ­Ateng Salve! Ang saya lang ng stay ko sa Dubai, United Arab Emi­rates dahil marami tayong mga kababayan doon na mapi-PR.

Isa ang international fashion designer na si Michael Cinco sa mga nakasama ko. Nag-dinner kami ni Michael sa Saffron ng Atlantis The Palm Hotel kasama ang grupo ni Mr. Ben Chan na nagbakasyon din sa Dubai (dumating na sila sa bansa noong Thursday). Fee­ling ko, may pina­ planong “something big” ang Bench big boss at si Michael.

Anyway, nakasama ko rin sa Dubai ang Pinoy publisher ng Xpedition magazine na si Josh Yugen na siyang kasa-kasama roon ngayon ni Maymay Entrata. Ang alam ko, magsisimula na sila ng one week pictorial starting tomorrow. Lilibot sila around UAE, kaya mas makakapamas­yal pa si Maymay.

Enjoy na enjoy nga si Maymay sa pamamasyal niya around Dubai at ngayon nga, makakapaglibot pa siya sa iba pang mga lugar sa UAE, huh!

Nakakaaliw nga pala ang ibang mga kababayan natin doon dahil kapag nakikilala nila ako, tinatanong nila sa akin si Maymay.

May ilang mga Pinay nga sa isang cake store sa may La Mer ang nakilala ako dahil sa posting ko sa Instagram ng picture namin ni Maymay at sana raw ay dinala ko roon ang star ng Princess DayaReese, but I explained to them na hindi naman talaga kami ni Maymay ang magkasama sa Dubai at nagkataon lang na naimbitahan din lang ako ni Josh at nakasama nga namin ang ka-love team ni Edward Barber. Oo nga pala, Ateng Salve, ang sweet ng MayWard fans dahil sobrang thankful sila sa pinost ko na very sweet ang dalaga.

Pero sa totoo lang naman kasi, nabaitan ako kay Maymay!

Claudine at Raymart, nagkaharap na uli

Natuloy pala noong Wednesday ang paghaharap nina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa piskalya ng Marikina City.

Sabi ni Atty. Ferdinand Topacio na legal counsel ni Claudine, wala pang final na napagkakasunduan ang kanyang kliyente at si Raymart pagdating sa sustento ng dalawa nilang anak.

Magsa-submit pa raw ng rejoinder sa susunod na pagharap nila sa piskalya. Kung hindi ako nagkakamali, sa February pa uli maghaharap ang estranged couple sa piskalya.

Sa ngayon, ang alam ko, nasa lock-in taping na ng FPJ’s Ang Probinsyano si Raymart.

Inuulit ko, Ateng Salve, dalangin ko na sana maging maayos na sina Claudine at Raymart dahil mas masaya naman kung ganoon ang mangyayari.

Marami akong kilala na gusto rin na mangyari ‘yon. Puwede naman kasi silang maging friends kahit hiwalay na sila alang-alang na rin lang sa kanilang mga anak.

Sa showbiz, marami rin naman ang mga nagkahiwalay na ngayon ay the best of friends at ang saya-saya, ‘di ba?

‘Yun na!

MAYMAY ENTRATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with