^

PSN Showbiz

Markus, umaasa sa bagong simula

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Markus, umaasa sa bagong simula
Markus

Kumpirmadong isinilang ni Janella Salvador noong October 20, 2020 sa United Kingdom si baby Jude na anak nila ni Markus Pa­terson. Ayon sa kasintahan ng aktres ay talagang nakaram­dam sila ng pangamba kaya hindi kaagad ipinaalam sa publiko ang tungkol dito.

“Alam naman na one day we are going to release him to the world na sobrang natakot kami no’ng una. Because we knew that the world is harsh and right now isn’t the very best environment. Well now it is kaya nga inilabas namin. Noong una talagang we want to shield him from everything and keep everything as quiet as possible,” pagbabahagi ni Markus.

Sa pagbubukas ng taong 2021 ay naniniwala ang aktor na kailangang may bagong panimula rin kaya nagpasya sila ni Janella na ipakilala na sa publiko ang kanilang supling.

Malaki ang pasasalamat ni Markus sa mga nagmamahal sa kanila ni Janella. Ikinatuwa rin ng aktor ang mga positibong komento tungkol sa kanilang ginawang pag-amin sa publiko. “Thank you for getting to know Jude, thank you for loving him. Thank you for the understanding. Hindi talaga namin in-expect ‘yung reaction na ‘yon but I guess it was really the perfect time na matagal na ring nakaplano,” pagtatapos ng aktor.

Elisse, ayaw nang magka-love team

Simula January 13 ay mapapanood na sa iWantTFC ang Horrorscope kung saan magbibida si Elisse Joson sa Libra episode nito. Walang katambal ang aktres sa naturang digital antho­logy. Nae-enjoy umano ni Elisse ngayon ang mga proyekto na wala siyang katambal.

Matatandaang pumatok sa mga tagahanga ang McLisse na tambalan nina Elisse at dating kasintahan na si McCoy de Leon. Mula nang nabuwag ang tambalang McLisse noong 2018 ay nagsolo na si Elisse. “Ever since naman, kahit no’ng magka-love team kami, lagi kong sinasabi sa lahat na gusto kong maging wider ‘yung matatanggap kong ibang proyekto. One positive thing siguro na nakuha ko nung nawala, no’ng hindi na ako nasa isang love team is ‘yung chance na magkaroon ng ibang role and mas natuto ako. Kasi feeling ko do’n ako talaga natututo and luckily, may mga taong naniwala, sumugal and nagbigay sa akin ng iba-ibang role. Very blessed ako when it comes to that,” nakangi­ting pahayag ni Elisse.

Hanggang maaari ay ayaw na raw munang magkaroong muli ng katambal ang dalaga. “’Yung love team I think parang hindi na ako nandoon kumbaga. Maybe someday magkakatrabaho ulit, we never know. Like I said, mas gusto ko rin kasi ‘yung tahimik when it comes to my personal relationships. Sa ngayon, work and my personal life are like two separate things,” makahulugang paliwanag ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

MARKUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with