^
Yassi, kumpirmadong babu na sa Probinsyano
Yassi

Yassi, kumpirmadong babu na sa Probinsyano

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2021 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, kumpirmadong hindi na babalik pa sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano si Yassi Pressman kapag nag-resume sila on January 10.

Tinapos na nga ang character niyang si Al­yanna sa nasabing series ni Coco Martin. Sad nga ang fans dahil hindi na siya mapapanood doon.

Eh, marami pa namang mga fan ang tambalang Coco-Yassi, pero ‘yung tambalan nila ni Ri­chard Gutierrez doon (na sa istorya ay kababata niya at una silang nagmahalan).

Naitsika rin sa akin ng isang source na noong bago pala matapos ang lock-in ­taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at umuwi ang cast ng December 13 ay nakapag-taping na rin pala ang bagong leading lady ni Coco, si Jane de Leon.

Pero one taping day lang daw ang nagawa ni Jane at next week pa lang ang lock-in taping talaga niya.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano nga muna ang pagkakaabalahan ni Jane bago magsimula ang Darna series niya sa ABS-CBN.

Anyway, kapag nag-lock-in daw sila sa FPJ’s Ang Probinsyano ay hanggang ­Ja­n­uary 30 na sila roon (kung hindi magkakaroon ng aberya at mae-extend ng ilang araw).

Palaging mahaba ang lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano para may mahaba-haba rin silang pahinga kapag umuwi muna sila.

Hindi nga lang sure ang nakatsikahan ko kung hanggang isang lock-in ­taping lang si Jane o magtatagal ang character niya sa FPJ’s Ang Probinsyano bago niya simulan naman ang Darna series.

Aktres at aktor na patago ang relasyon, magkasamang nag-Pasko sa South Africa

Nasa South Africa nga ba noong Christmas break ang isang aktres at isang aktor (na sinasabing karelasyon niya ngayon)?

May nagtsika kasi sa akin na nagbakasyon doon ang dalawa, pero wala naman akong nakikita sa social media accounts nila na posting tungkol doon.

Lihim kaya ang pagbabakasyon nila sa lugar na ‘yon?

O talagang ayaw lang kasi nilang maging public pa talaga ang relasyon nila dahil ang isa sa kanila ay may “sabit” pa?

Isang taong malapit kay aktres ang tinanong ko tungkol doon, pero his lips are sealed. Ayaw niyang magkomento tungkol doon. Panay rin ang iwas niya sa nasabing topic.

Well, parang lalo tuloy akong nagduda sa tsinika sa akin ng source ko na nagbakasyon nga sa South Africa ang aktres at aktor.

Well… well… well… ‘Yun na!

YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with