^
Kris, health break muna uli!
Kris
STAR/ File

Kris, health break muna uli!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2021 - 12:00am

Magkakaroon uli ng health break si Kris Aquino. Kasi nga, nang pumasok ang BER months, medyo naging busy siya sa kanyang mga hosting, commercial assignments kaya hindi muna siya naging ganun katutok sa kanyang mga health requirement.

Actually dahil sa excitement niya sa bago niyang mga trabaho, medyo kinalimutan muna niya sandali ang mga regular niyang ginagawa.

After ng hectic season, break muna siya at balik sa kanyang health programs na talaga naman priority niya dahil siyempre alam niya na health is wealth.

Natuwa naman ang kanyang fans, dahil at least nakita na in good condition si Kris.

But come January, medyo pahinga na naman siya, plus malay natin, meron siyang mga pasabog sa kanyang birthday month sa February.

Alfred, may dapat patunayan

I can feel how frustrated and sad ang feeling ni Alfred Vargas sa nangyayari ngayon sa kanya. Medyo emotional pa naman at very sensitive si Alfred gaya ng nakita kong frustration sa kanya, nang hindi naiintindihan ng marami ang ginawa niyang pag-inhibit sa issue ng ABS-CBN franchise. At ngayon, heto nga, ang hindi pa napapatunayang charges na ibinalita ni Papa Digong sa mara­ming congressman, pero dahil nga galing sa bibig ng Presidente, of course, seryoso na para sa marami. Inosente ka until proven guilty, sa ganda ng naging record ni Alfred sa trabaho, parang nakabigla rin sa lahat na heto bigla siyang nasali sa isang controversy.

Well, hindi ko ganap na alam ang pasikut-sikot sa pulitika, pero ang inaasahan ko, ‘pag nasa mainstream ka na ng showbiz, medyo mas matibay ka sa intriga. Pero sa ibang tao kasi, ‘yung strength of character, medyo madaling maapektuhan. Siyempre pa, lalo at isa kang tao na ginagawa ang lahat para maipakita ang mabuting trabaho, gusto mong manati­ling maganda ang record mo, affected ka dahil nagtataka ka kung bakit bigla kang malalagay sa alanganin, eh alam mong wala kang ginagawang masama. But in the end, justice and truth will always prevail.

Totoo, nadungisan na ang pangalan mo, dahil hindi rin nga mawawala ang mga taong judgmental, ‘yung biased na at hindi na magawa pang makita ang tama, pero ang mas mahalaga, malinis ang conscience mo, at alam mo na kaya mong patunayan ito.

Marumi ang pulitika, pero mas marumi ‘yung isa lang ang takbo ng pag-iisip eh, ang manira o makasakit ng kapwa. Basta alam mo na nasa tama ka, Alfred, ipaglaban at patunayan mo.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with