_ngayon
^

PSN Showbiz

Pops, nagulat sa pagkakasangkot kina Derek at Andrea

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pops, nagulat sa pagkakasangkot kina Derek at Andrea
Pops at Martin
STRA/ File

Finally, sinagot na ni Pops Fernandez ang lumutang na anggulong siya ang third party sa hiwalayang Derek Ramsay and Andrea Torres na pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon.

Kahapon sa Zoom conference para sa reunion show nila ng ex-husband niyang si Martin Nievera na eXes & whYs ng Colours ng Cignal TV, sinabi nitong - “It’s absolutely not true. I just don’t wanna talk about it because I felt that Derek and Andrea are not really talking about it, ang weird naman na ako ‘yung magsasalita.

“Hindi po siya totoo. How it started, hindi ko rin po alam. Basta all of a sudden, ang dami-dami na lang lumabas at hindi ko alam na ang dami na palang usap-usapan,” pahayag ni Pops.

Saka paano raw mangyayari ‘yun ay nakakasama pa nga niya noon sina Derek ang Andrea.

Business partner ni Pops ang manager ni Derek na si Joji Dingcong.“We don’t talk to each other, we don’t really text each other,” dagdag pa ni Pops tungkol sa actor.

Anyway, mapanood na ang Exes and Whys ngayong darating na Sabado.

Aside from that show, may show rin si Robin Nievera at ang music icon na si  Louie Ocampo sa Louie O Live with Robin Nievera na isang musical show beginning Sunday, same time, 9 p.m. sa Cignal TV CH. 202 HD and CH. 60 SD.

Anyway, almost three decades na ang last show nila together na The Penthouse Live kaya tiyak na iba na raw ang approach nila sa programa.

“Ngayon siguro, masasabi ko, mas mature na kami ni Martin. There are some things that we couldn’t discuss before, even when we were doing ASAP. Ngayon, mas ok na kami, mas comfortable na kami. I think it’s safe to say that we have both matured when it comes to our work and our hosting abilities which is exactly what you will see in the show,” sey ni Pops.

MARTIN POPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with