^

PSN Showbiz

Sheena nanganak na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sheena nanganak na
Sheena
STAR/ File

Nanganak na kahapon ang Kapuso star na si Sheena Halili.

Sa kanyang post ay hindi pa raw siya makapaniwala na hawak na niya ang anak niya. “Hello, anak! Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita.?  Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa.”

August pa lang ay abala na ang Kapuso star sa kanyang panganganak kung saan nabanggit na niya na nag-research pa siya ng ligtas at de kalidad na produkto para sa kanyang anak at handa na rin ang gamit niya sa pagpunta sa hospital. Married si Sheena kay Jeron Manzanero.

Bida star ng Pasko malalaman na

Malalaman na kung sino ang susunod na matutupad ang pangarap sa pagtatapos ng Bida Star ng Pasko ngayong araw, Disyembre 15, 2:00 p.m.

Sa loob ng apat na linggo, napanood sa sunud-sunod na challenges ang 17 finalists na nangangarap maging artista.

Tampok ang bawat isang finalist sa Christmas-themed acting challen­ges sa Kumu livestream. Bukod dito, nagkaroon din sila ng pagkakataong makasama ang seasoned theater actor na si Jojit Lorenzo sa tatlong ac­ting masterclass.

Para manalo, kailangan ng finalists na makalikom ng score mula sa kanilang mentor, Kumu virtual gifts, at KTX votes. Bukod sa P15,000 na salaping papremyo, ang tatanghaling Bida Star ng Pasko ay magkakaroon ng pagkakataong maging lead sa isang darating na online Christmas special. Nakasama ng finalists sa Kumu Livestream bilang host ang Ultimate Bida Star na si Cherry Mendoza.

vuukle comment

SHEENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with