^

PSN Showbiz

Mayor Richard, aminadong ‘di napapagod mahalin si Cong. Lucy

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Mayor Richard, aminadong âdi napapagod mahalin si Cong. Lucy
Richard, Lucy at Juliana
STAR/ File

“Hindi ako mapapagod na ibigin ka,” ang sinabi ni Mayor Richard Gomez nang batiin niya ang kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez nang mag-birthday noong isang araw. Nagkuwento rin si Goma, kung papaano siya na-in love sa kanyang asawa, at tuluyang nagsikap at pinakasalan.

Maganda ang love story ng mag-asawa. Aminado si Lucy na bata pa siya ay crush na niya si Goma, kahit na hindi pa sila magkakilala noon. Aminado naman si Goma na nang makilala niya si Lucy at makasama sa shoot ng isang commercial, na-in love siya agad at alam niyang siya na nga ang babaeng gusto niyang makasama sa habambuhay.

Maraming naging girlfriends si Goma, pero sinabi niyang kay Lucy lang siya nagkaroon ng ganoong feelings agad.

John, napabalik-loob sa Diyos ni Father Suarez

Hindi Katoliko kundi isang Aglipayano ang director na si Joven Tan, pero sinabi niyang naniwala siya matapos niyang mabasa ang kuwento tungkol sa paring si Fernando Suarez, na iyon ay makapagbibi­gay ng inspirasyon sa mga mananampalataya, tinanggap niya ang alok na gawin iyon.

Ang isa sa stars ng pelikula, ang dating child star na si Jairus Aquino ay hindi rin naman Katoliko. Siya ay miyembro ng Mormons. Ginampanan niya ang role ng sacristan na nagreklamong minolestiya sila ni Fr. Suarez. Pero sinabi rin niyang parang mahirap paniwalaan na magagawa nga iyon ng pari, lalo na nga’t matapos na sabihin mismo ng Congregation for the Doctrine of the Faith na walang batayan ang akusasyon sa pari. Pinahintulutan din siyang ipagpatuloy ang kanyang healing ministry, at tungkulin bilang isang pari, ngunit kailangan ang pahintulot ng mga mas nakatataas.

Nauna rito si Suarez ay inireklamo rin noo’y Arsobispo ng Lingayen-Dagupan na si Archbishop Oscar Cruz, at ganoon din ng dating Obispo ng Bulacan Jose Oliveros, dahil sa pagmimisa at pagsasagawa ng healing service sa kanilang mga diocese nang walang pahintulot. Kailangan ng isang bumibisitang pari sa isang diocese ang humingi ng permiso mula sa Obispo kung isasagawa niya ang kanyang ministry.

Iyong mga akusasyon laban kay Suarez ang isa raw sa mga dahilan kung bakit noong una ay bantulot pa ang actor na si John Arcilla na tanggapin ang offer na gampanan niya ang role ng healing priest. Si John ay isang Katoliko, pero sinasabi niyang nadismaya siya nang ang noo’y ay Santo Papa Benedict XVI ay nagbitiw sa kanyang tungkulin.

Pero inamin niya na nang makausap niya si Suarez, at makita niya ang tibay ng pananampalataya noon ay nagbalik-loob siya sa pananampalatayang Katoliko na siya niyang nakagisnan.

More or less, alam namin ang kuwento tungkol kay Fernando Suarez, dahil nakilala namin siya noon pa. Alam din naman namin kung ano ang lahat ng mga naging problema niya bilang isang pari, at hindi namin alam kung papaano iyon tatalakayin sa pelikula. Iyan ang dahilan kung bakit desidido ­kaming panoorin ang pelikulang iyan. Makabubuti nga ba sa pananampalataya ang kuwento ni Suarez?

Matapos naming marinig ang kuwento ng isang Aglipayano, isang Mormon at isang nadismayang Katoliko, mukha ngang kailangang panoorin ang pelikulang The Healing Priest.

Indie actor, kabado sa pagkalat ng mahahalay niyang video

Natatakot daw ngayon ang isang indie male star dahil baka biglang kuma­lat ang videos na kanyang nagawa nang pribado. Aminado ang indie male star na pumayag naman siya noong una na makunan ng video ng isang kaibigan niyang bading, sa paniwalang buburahin din naman iyon matapos na mapanood. Pero may nakapagsabi raw sa kanya na may nakitang video niya. Ang ikinatatakot niya, hindi lang isa kundi maraming video pala siyang nagawa para sa kaibigan niyang bading noong araw. Aba eh delikado nga naman iyan para sa kanya kung kakalat.

GOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with