_ngayon
^

PSN Showbiz

Marian, tatlong taon pinaghandaan ang ‘Home’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Marian, tatlong taon pinaghandaan ang âHomeâ
Marian
STAR/ File

Bilang isang Marian devotee, isinabay ni Marian Rivera sa kapistahan ng Solemnity of the Immaculate Conception ang launching ng extension ng kanyang Flora Vida, ang Flora Vida Home.

Hindi lang mga flower arrangement ang dala ng kanyang Flora Vida kundi mga magagandang gamit sa bahay gaya ng furnitures, lamp, pillow case, curtains at marami pa.

Matagal na itong gustong gawin ni Marian at tamang-tama namang work from home pa rin siya kaya nag-focus siya sa kanyang Flora Vida Home na kung saan siya talaga ang nagdi-design nito.

Mga imported ang mga gamit niya na karamihan ay nabili niya sa Europe, pero masasabi namang gawang Pinoy pa rin dahil mga magagaling na mang-uukit sa Paete ang gumagawa nito. “Sa pagkakataong ito sabi ko nga hitting two birds in one stone ako. Gusto ko ‘yung fabric from Europe, tapos nilikha ng gawang Pinoy na pinagsama ko siya. So, very happy ako sa kinalabasan dahil gawang Pinoy pa rin,” pagmamalaki ni Marian.

Sa ngayon ay hindi pa niya masasabi kung magiging active na siya sa mga programang gagawin niya sa GMA 7 dahil sa sitwasyon natin ngayon na hindi nga naman alam kung hanggang kailan itong COVID-19.

Kaya hindi pa raw niya masasabi kung gagawa na ba siya ng drama series next year. “Hindi ko masasagot ‘yan dahil makakalabas lang ako ‘pag sobrang ligtas na alam mo na magiging maayos ang lahat. Kasi ang hirap hirap talaga.

“Pero ‘pag medyo tagilid pa ang mga pagkakataon at nangyayari sa labas, siguro sa bahay muna ako. Tutal pinapayagan naman ako ng GMA na gawin ang Tadhana sa loob ng bahay muna,” saad ni Mrs. Dantes.

Kaya mukhang sa negosyo na ang focus nila ni Dingdong Dantes na tamang-tama namang meron na ring inilunsad na delivery service ang Kapuso Primetime King, na magagamit niya sa pag-deliver ng orders sa kanyang Flora Vida Home. “Ang maganda lang diyan, nakahanap ako ng perfect partner na makapag-deliver ng alam kong ligtas sa kanila, ang Dingdong.ph ang mismong mag-deliver sa kanila,” napapangiti pa niyang pahayag sa Zoom conference last Monday.

Pagkikita nina Dennis at Julia, biglaan lang

Hindi napigilan ni Dennis Padilla na maluha nang magkita sila ng anak niyang si Julia Barretto kamakailan lang. Tuwang-tuwa siyang ipinost sa kanyang Instagram account na prinomote ni Julia ang Metro Manila Film Festival entry niyang Pakboys: Takusa.

Kuwento ni Dennis nang makatsikahan namin sa programa namin sa DZRH noong nakaraang Lunes ng gabi; “Dun sa building na kung saan kinukunan kami ng VTR para sa promo ng Pakboys sa Europe, sa US, sa Dubai, meron kaming mga greetings as part of the promo para sa OFW. Nga­yon, nu’ng pagpasok ko sa dressing room?eh nasa 3rd floor kami, tapos sa kabila may bahay, sabi sa akin ni Janno (Gibbs) ‘pare halika, labas ka.

“Paglabas ko, dumungaw ako sa bintana, si Julia nandu’n sa baba. Meron silang workshop para sa new movie ni Marco Gumabao. Sumigaw agad ako kasi sa 3rd floor ako, mataas ako, sabi ko, hi Jul, I miss you anak ganyan-ganyan?

“Anyway, bumaba ako tinanong ko sa guwardiya kung sa Viva rin ba yung property du’n sa kabila, sabi niya opo. Pumunta ako du’n. Tapos picture picture. Tapos sabi ko sa kanya, ‘Jul, okay lang ba video kita promote mo ‘yung movie namin. Kasi si­yempre ‘di ba, si Julia nag-promote malaki ang matutulong sa amin.”

Halos isang taon na raw silang hindi nagkita ng mga anak niya kay Marjorie Barretto. Mga three times a month lang daw sila nagti-text na nagkukumustahan ni Julia, si Leon naman daw busy sa kanyang online class at si Claudia raw ay nagmi-message lang daw siya sa social media account nito.

Kaya sobrang na-miss daw niya ang mga anak niya na nagpapasalamat din siya na okay na raw sila. Kaya pagkatapos daw nilang magkumustahan ni Julia at bumalik na raw siya sa VTR shoot, hindi raw niya napigilang maluha. “Nu’ng lumalakad ako pabalik sa building na, tumulo rin yung luha ko. Kasi miss ko eh. Pero dahil astig ang itsura ko, astig ako magsalita, siyempre hindi ko maparamdam kay Julia, hindi ko mapakita na may weakness ako na ganu’n,” seryosong pahayag ng komedyante.

Sa December 25 na mapapanood ang MMFF entry ng Viva na Pakboys: Takusa na mapapanood sa Upstream.ph.

HOME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with