^
Gerald at Julia, âdi na pinaniniwalaan ang denial
Gerald at Julia

Gerald at Julia, ‘di na pinaniniwalaan ang denial

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2020 - 12:00am

Siguro nga ang mga taong wala nang ginawa kundi magbantay sa kung ano ang sinasabi ng mga tao sa social media, ang siyang gumagawa ng mga ispekulasyon at kung anu-ano ang naiisip tungkol kina Gerald Anderson at Julia Barretto. Kahit na katakut-takot na denial na ang ginawa ng kampo ni Julia, at nananatili namang tahimik lang si Ge­rald, naniniwala pa rin silang may relasyon nga ang dalawa.

May nagsasabing noon namang umeksena si Gerald ay tapos na talaga ang relasyon ni Julia sa dati niyang boyfriend na si Joshua Garcia, kaya wala namang problema roon. Pero noong mangyari iyon, hindi pa raw split sina Gerald at ang dati niyang girlfriend na si Bea Alonzo, at doon nagkaroon ng problema.

Malaking problema na ang nilikha noon, maging sa pamilya ng mga Barretto.

Kung natatandaan ninyo, sa pagpapakita ng simpatiya nina Gretchen Barretto at Claudine kay Bea, ang siyang mitsang pinagmulan ng away sa kanilang pamilya, na nauwi pa sa bugbugan hanggang sa burol ng kanilang ama.

Pero kung kami ang tatanungin, mas pinaniniwalaan namin ang naunang kuwento ni Dennis Padilla nang nagsisimula pa lamang ang usapan, na nagkausap silang dalawa ni Gerald at matapos aminin noon sa kanya na nanliligaw nga sa kanyang anak, inamin niyang sinabi niya roon na “huwag mo lang kalilimutan, Anak ko si Julia.”

Sa usapang lalaki, ang ibig sabihin noon “huwag kang loloko-loko dahil anak ko iyan.”

Sa kabila ng lahat ng denial, ngayon may lumalabas na nagtungo hindi lamang si Julia kundi ang buong pamilya niya sa private resort ni Gerald. Maliwanag din namang may communication sila sa social media. Kung sa social media may communication sila, eh ‘di lalo na sa pribado nilang buhay.

Ang paniwala namin, magbibilang na lang tayo ng ilang araw at lalabas din ang katotohanan na talaga ngang may relasyon ang dalawa, kahit na ano pang denial ang ginawa nila noong una.

Carlos, nag-macho dancer kahit sacristan

Nakita namin ang post ni Carlos Agassi, na nagsasabing maganda ang isang kontrabida role na kanyang ginawa, kaya pinanood namin. Ang kuwento ay tungkol sa isang batang sacristan na dahil sa sakit ng ina ay napilitang pumasok sa “prostitusyon” at si Carlos ang operator ng gay bar kung saan iyon naging isang macho dancer. Hindi iyan ang unang ganyang kuwento. May narinig pa kami, pero hindi namin napanood na isang bading serye sa internet na ang character din ay mga sacristan.

Iyang sacristan, bagama’t hindi masyadong napapansin ay isang mahala­gang ministry ng simbahan. Hindi biru-biro ang spiritual formation na ginagawa sa mga sacristan. Hindi namin sinasabing hindi sila makakagawa ng pagkakamali, pero parang nalalabuan kami sa sinasabing nawala ang tiwala ng character sa Diyos.

Hindi namin minamasama, at hindi namin sinasabing hindi mangyayari. Pero aywan nga ba kung bakit ang madalas nilang magawan ng mga ganyang kuwento ay ang mga sacristan na kabisado namin ang buhay.

Female star, ‘di matanggap na naging pabayang ina

Panay ang tanggi ngayon ni female star na naging pabaya siyang ina sa kanyang anak. Hindi niya matanggap ang sinasabi ng iba na kaya malayo ang bata sa kanya ay dahil hindi niya iyon nabigyan ng oras noong panahong kailangan siya noong bata. Kasi noong panahong lumalaki ang bata, buhos naman ang kanyang panahon sa pakikipag-boyfriend.

Pero talagang mahirap aminin iyan, at kung marami man ang nakakapuna na ngayong lumalaki na ang kanyang anak ay malayo ang damdamin noon sa kanya, ang mali lang ay ginagawan pa niya ng tsismis ang anak niya mismo para mai-justify ang tila hindi nila pagkakasundo.

GERALD ANDERSON JULIA BARRETO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with