Sunshine, hindi nagmamadaling mag-asawa uli
Sunshine at Macky

Sunshine, hindi nagmamadaling mag-asawa uli

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

Kamakailan lamang, ang bunsong anak ni Sunshine Cruz na si Francheska ay nag-celebrate ng kanyang 15th birthday, at sinasabi ngang ngayon masasabing malalaki nang lahat ang kanyang mga anak. At sa itinagal-tagal naman ng kanilang sitwasyon na namumuhay sila nang sila-sila lamang, siguro nga nauunawaan na ng mga bata ngayon ang kalagayan nila.

Si Sunshine, aminado naman na may lovelife na siya at hindi naman lihim iyon sa kanyang mga anak. In fact, lumalabas sila kasama ang kanyang boyfriend, kasama rin ang buong pamilya noon kung minsan, na para silang isang buong pamilya talaga.

Inaamin ni Sunshine, “tanggap naman ng mga bata si Macky (Mathay).” At ganoon din naman ang sinasabi ng iba na tanggap din ng mga anak ni Macky si Sunshine. “In fact, minsan nga nagugulat ako, dahil minsan tinanong nila ako kung kailan ko balak mag-asawang muli, at noong tanungin ko kung bakit, ang sagot lang nila you deserve to be happy,” sabi ni Sunshine.

“Puwede na naman talaga akong mag-asawa kung gusto ko, kaya lang I feel kailangan pa ng kaunting panahon. My youngest is only 15. Parang mas gusto ko na mga ilang years pa sana. Kasi inaalala ko ang education nila, at gusto kong ako ang managot sa lahat ng iyon. Habang hindi pa sila ayos, ayoko munang magkaroon ng kahati ang atensiyon ko sa mga anak ko. Hindi naman ako kailangang magmadali eh.

“Si Macky naman, wala ring reason para magmadali. Marami pa rin naman siyang aasikasuhin sa buhay niya. Kailangang intindihin din niya ang mga anak niya. Para bang pareho kami na ang iniisip namin, if ever we all live as one family iyong talagang handang-handa na kami, lalo na ang mga bata.

“Sa ganitong sitwasyon, hindi lang ang sarili mo ang iniisip mo eh, kundi iyong responsibilidad mo sa mga anak mo,” ang sabi ni Sunshine.

Mga pelikula ng MMFF, ’di pa sigurado kung ipalalabas sa probinsya

Marami nang bukas na sinehan sa labas ng Metro Manila. Marami nang mga tao na nakakapanood ng sine pero siyempre may safety protocols pa ring sinusunod. Pero iyan ay sa mga lugar lamang na nasa ilalim ng MGCQ. May inilalabas na mga maliliit na pelikula, iyong hindi masyadong malaki ang puhunan. Dahil aminin natin na ang malaking kita ng pelikula ay sa Metro Manila. Dito kinukuha ang mahigit na kalahati ng kinikita ng mga pelikula.

Pero dahil bukas nga ang mga sinehan sa mga probinsiya, tiyak na sa panahon ng Pasko ay bukas din sila pero ipalalabas ba nila ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF)?

Sa naging karanasan natin noong nakaraang panahon, lalo na nga noong 2016, naglabas ang mga sinehan sa probinsiya ng ibang pelikula. Maaa­ring maglabas sila ng mga pelikulang Ingles. Hindi naman sila obligado na sumunod sa MMFF. May mga narinig na nga kaming may gumagawa na ng booking ng mga pelikulang dayuhan para sa kanilang theater circuits, kasi sinasabi nilang kailangang mapuno man lang nila iyong 30 percent audience na maaari nilang papasukin, at hindi sila siguradong makukuha iyon kung ang ilalabas nila ay mga pelikula ng MMFF.

Ang sakit naman nun.

Dating sikat na matinee idol, pinalitan ng baguhan sa proyekto ng ka-loveteam

Aywan kung alam na ng hindi na sikat na matinee idol, na may proyekto nang hindi na siya kundi isang baguhan ang makakatambal ng dati niyang ka-loveteam. In fact sinasabi ngang ang dati niyang loveteam at ang gustong itambal doon ay gumawa na ng test shots para malaman kung babagay sila.

Kung nangyayari iyan, kasalanan naman ng dating sikat na matinee idol. Pinabayaan niya ang kanyang sarili, kung ang obserbasyon sa kanya noong una ay mukhang lagi siyang mabango, ngayon mukha na siyang hindi naliligo kaya nawawalan na rin ng gana ang kanyang fans.

SUNSHINE CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with