Mystica matindi ang emote sa lock-in taping, ayaw kay Kiray
Mystica
STAR/ File

Mystica matindi ang emote sa lock-in taping, ayaw kay Kiray

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

Pagkatapos pumutok ang balitang nag-walk out si Mystica sa taping ng bagong drama series ng GMA News TV na Owe My Love, magkakasunod na video ang ipinost nito sa kanyang vlog kung saan ipinakita niyang gusto na niyang umalis sa location sa Bulacan.

Ibinahagi rin niya ang palitan ng mensahe sa staff na humihingi siya ng sagot kung hanggang kailan daw siyang naka-lock in doon sa taping.

Nagpa-interview siya sa prog­rama namin sa DZRH noong nakaraang Lunes ng gabi para ikuwento kung ano raw talaga ang nangyari.

Inisa-isa ni Mystica ang mga dahilan kung bakit umabot sa pag-walk-out at hindi na niya tinapos ang taping niya sa naturang serye.

Ayon sa singer/actress, ang unang sinabi raw sa kanya ay one-day taping lang daw siya roon. Sinunod daw niya ang lahat ng requirements gaya ng swab test, at ang buong akala niya pagdating niya roon ay magti-taping na siya at uuwi na kinabukasan.

Ang dinala raw niyang damit ay pang-isang araw lang. Pagdating daw niya roon ay nag-meeting lang daw pala muna sila at kinabukasan pa ang taping.

“Walang sinabi sa akin na tuluy-tuloy na. I have no choice, nandun na rin lang ako. Wala naman akong ginagawa sa bahay. I might as well magtrabaho na lang ko,” pahayag niya.

Pero napagtanto raw niya ilang linggo raw siyang matetengga roon, tapos ilang araw lang daw ang taping days niya, baka lugi rin siya dahil ang unang sinabi raw sa kanya ay with or without shooting, limang araw daw siyang babayaran. “Pero later on ni-retract nila, miscommunication daw. Two days lang pala ako. So, naisip ko is it really worth it? Iniwan ko ang family ko sa bahay, ako lang ang inaasahan doon. Nag-stay ako doon ng ilang days, at kung kailan nila ako isasalang, iyon lang ang may pay.

“Ang tanong, ilang shooting ako per week, at hanggang kailan ako mag-stay para ma-lock in. Sabi nila, ibibigay daw nila ang answer as soon as possible,”  patuloy ni Mystica.

Pero isang linggo na raw siya roon, dalawang araw lang daw siyang nakunan na one-liner lang daw dahil bumaba na raw ang role niya pero sana nilinaw daw sa kanya kung hanggang kailan daw talaga siyang magtatagal sa location.

“Okay lang kung katulong ka pero markado ang role. Eh itong role ko ngayon na sinabi iniba na lahat. Inilagay na lang ako na parang extra na lang na one line na lang. Which is I don’t mind. Tinanggap ko eh, okay lang iyon. Pero is it really worth it na ila-lock in ko ang sarili ko? ” patuloy niyang himutok.

Napagastos na raw siya ng malaki dahil sa pagpapahatid ng mga damit at gamit doon sa location at nagpapabili pa raw siya ng pagkain.

Ang isa pang reklamo niya ay ang magkasama raw sila ni Kiray Celis ng kuwarto, gayung ang ibang artista naman ay tig-isang kuwarto. Sana ay tratuhin naman daw siyang artista na si Mystica siya, hindi sa kalagayan o katayuan niya ngayon.

Bukod pa riyan ay hindi raw niya gustong makasama si Kiray sa isang kuwarto. “Sabi ko, I don’t like Kiray. Pero ang privacy ko talaga. Importante sa buong buhay ko ang privacy ko.

“Sa buong buhay ko, never ako nagkaroon ng roommate. Kahit sa bahay ko, sa mansion ko, kahit maraming tao, may sarili akong kuwarto. Ito pa kaya Kiray na hindi ko alam kung ano ang category niya. Iba ang schedule ko, iba ang schedule niya.

“So ngayon, ang every kilos ko napapabalikwas siya. In every apak ako, naaano siya. So, sabi ko okay we have to be very considerate this time. So, ako na yung nag-give way, lumabas ako, bumaba ako para makatulog siya. Pero iniisip ko, do I have to suffer para makatulog siya?,” sabi ni Mystica.

Dagdag pa sa hinaing niya ang hindi siya nabibigyan ng breakfast, ang kulang na maayos na trato sa kanya.

Pero ang ikinagalit daw niya talaga nang husto ay isang linggo na raw siya roon, hindi pa raw siya masagot kung hanggang kailan na ba talaga siya roon at ilang araw pa siyang gagamitin sa taping. Iyon lang naman daw. Pero lumala na ang isyu at lalong dumami ang reklamo niya. Merong isang staff na tinanong siya kung lasing ba siya.

Pero may nakikita naman daw siyang nag-iinuman doon sa set. Alam daw ba ‘yan ng taga-GMA 7?

Bago raw siya umalis ay naayos na raw nila ang isyu, at mananahimik na lang daw sana siya. Pero nagulat ito nang may lumabas na ganung balita, kaya nagsalita na siya.

Wala raw siyang balak na magsampa ng reklamo. Ang gusto lang daw niya ay iparating sa mga executives ng GMA 7 na may mga ganu’n silang staff na hindi patas ang pagtrato sa kanilang mga artista.

Nakausap namin ang executive producer ng Owe My Love na si Lowel Alojado, tumanggi itong magbigay ng sagot sa lahat ng mga paratang ni Mystica.

Sina Lovi Poe at Benjamin Alves ang bida rito sa Owe My Love.

MYSTICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with