Alden na-challenge sa kanyang concert, handa sa reunion nila ni Maine
Alden

Alden na-challenge sa kanyang concert, handa sa reunion nila ni Maine

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

Wow, sold out na agad ang ticket sa 10th anniversary concert ni Alden Richards first reality concert sa bansa Alden’s Reality.

Ayon kay Alden, talagang pinaghirapan nila ito gamit ang kakaibang technology. “Gusto ko rin naman ma-challenge na kahit mahirap siyang gawin, sobrang proud po kami na parang we’re glad na nagawa namin ito for my 10th year anniversary in showbiz. ”

Aminado ang actor na may worries sila sa umpisa dahil kakaiba nga like ready na ba ang market na manood ng concert sa bahay.

Nagsimula ang idea tungkol dito last April - kay Christian Bautista. Before pandemic ay handang-handa na sila pero ‘yun nga, biglang hindi puwede.

Ayon sa director nitong si Paolo Valenciano, hindi nila inasahang mako-convince nila ang GMA na gawin ito.

Iba raw kasi talaga ito sa usual virtual o online concerts na ginagawa ngayon dahil sa element nitong virtual reality aspect. Gamit ang teknolohiya ay magkakaroon ng chance ang mga manonood na makipag-interact kay Alden as if kaharap nila ito.

Nagkakahalaga ng P999 ang presyo ng ticket nito sa general admission.

Ang mga nasa Pilipinas naman ay magkakaroon ng special treat kung ang nabili nila ay halagang Php 1,200.

Kasama sa ibinentang admission ticket ang isang exclusive VR device na gagamitin sa panonood ng concert.

Anyway, dahil nga isa si Alden sa pinaka-masuwerte kahit na may health crisis, kalamidad na nararanasan at marami ang nawalan ng malaking pagkakakitaan sa showbiz, nagpapasalamat siya sa buhos na blessings at hindi nakakalimutang tumulong lalo na nga’t ang dami raw talagang nangangailangan.

Kamakailan nga sa pamamagitan ng kanyang gaming livestream, nakalikom ang Asia’s Multimedia Star ng pera upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Mahigit sa P200,000 ang naipon ni Alden mula sa mga nag-donate ng stars sa naging laro niya ng Mobile Legends. Lahat ng natanggap niyang stars na may katumbas na halaga ay ido-donate niya para sa mga biktima ng bagyo.

Kilalang gamer si Alden kaya siguradong na-encounter na rin niya si Manny Pacquiao na ­newest ambassador ng Mobile Legends na ang game hero name ay “Pacquito.”

Handa pa rin naman si Alden na makasama uli sa pelikula si Maine Mendoza para mabuo ang kanilang AlDub loveteam dahil mara­mi pa rin ang sumasaya pag nakikitang magkasama sila. Pero sa ngayon daw ay wala pa sa plano pero sana raw ay soon.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with