_ngayon
^
Yassi bumigay na kay Richard, bagong partner ni Coco inaabangan na!
Richard at Yassi

Yassi bumigay na kay Richard, bagong partner ni Coco inaabangan na!

(Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

Inamin na sa wakas ni Alyana (Yassi Pressman) sa sarili niyang bumabalik na ang nararamdaman niya para kay Lito (Richard Gutierrez) habang unti-unti namang lumalayo ang loob niya sa asawang si Cardo (Coco Martin) sa FPJ’s Ang Probinsyano, na mapapanood sa A2Z channel na available na sa ABS-CBN TVplus at iba pang digital TV boxes.

Isang espesyal na dinner date ang inihanda ni Lito para kay Alyana kung saan nagbalik-tanaw sila sa mga masasayang araw nilang dalawa bilang magkasintahan. Dito na rin umamin si Lito na gusto niyang makasama si Alyana habangbuhay, kagaya ng pangako nila sa isa’t isa noon.

Bagama’t tinanggihan ni Alyana ang halik ni Lito, paulit-ulit namang bumabalik sa isipan niya ang pag-amin ng dating kasintahan, at tila nagtatanim na ng sama ng loob sa asawa.

Ito ay matapos siyang pagsabihan ni Cardo na manatili na lang sa bahay at huwag nang magtrabaho para kay Lito.

Dahil sa kanilang away, mas lalong nalito ang puso ni Alyana sa kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman. “Ano ba ang nangyayari sa akin? Mahal ko pa rin si Cardo pero parang bumabalik ‘yung nararamdaman ko para kay Lito. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin,” sabi niya sa sarili.

Hanggang kailan kayang pigilan ni Alyana ang damdamin niya para kay Lito?

Panoorin gabi-gabi ang FPJ’s Ang Probinsyano sa A2Z channel sa digital at analog TV.

Nauna nang napabalita na kaya ganito ang anggulo sa nasabing palabas dahil bibigyan si Coco ng bagong leading lady na siyang makaka-partner niya hanggang sa ending nito.

Si Julia Montes na kaya ‘yun?

RICHARD GUTIERREZ YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with