MMFF 2020, hindi pa alam ang mga kasaling pelikula
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

Sinasabing ang pinakabagsak na Metro Manila Film Festival ay noong 2016, kung kailan naisipan nila na ang isali sa festival ay puro mga pelikulang indie. Bagama’t bukas ang lahat ng sinehan, nangulila naman ang mga iyon dahil hindi sila pinasok ng mga manonood. Pero mukhang ang record ng MMFF noong 2016 ay nakatakda nang malampasan ng MMFF 2020, dahil online nga lang sila at walang mga sinehan.

Kapansin-pansin din na matatapos na ang Nobyembre, hindi pa nila matiyak kung sinu-sino nga ba ang papasok na official entries sa festival. Iyon kasing una nilang mga napili ay umurong na rin nang malaman na walang sinehan kundi digital nga lang. Hindi kasi nila mababawi ang kanilang puhunan kung ilalabas lang online, kaya kailangan nilang magpalit at ang gawin ay mga low budget projects, unless gusto nilang mag-suicide.

Siyempre maraming dahilan, at isa na nga riyan iyong sinasabing paghihigpit dahil sa pandemic, pero bakit makakapag-shooting sila ng ibang project kung may pandemic din naman? Ayaw lang nilang diretsahin na sa sitwasyon ngang ganyan, hindi nila inaasahang kikita ang mga pelikula.

Ano ang aasahan mo, eh ang daming napapanood nang libre sa internet, tapos sa kanila na internet din, kailangan mong magbayad. Ok lang siguro iyon kung napakaganda pelikula, at kung sikat ang mga artista, kaso maliliit na artista rin ang bida eh.

Officially, out na si Vice Ganda. Walang entry si Vic Sotto. Hindi rin gumagawa ng pelikula si Coco Martin. Eh iyang mga iyan ang consistent top grossers eh. Wala ring pelikula ang top grosser noong nakaraang taon na si Aga Muhlach. Sino ang babatak ng tao para manood ng MMFF?

Nang malaman nilang wala ngang mga sinehan sa Metro Manila na napako na ang quarantine status sa GCQ, parang mas mabuti pa nga siguro kung hindi na lang nila itinuloy ang MMFF eh.

Ang MMFF, dinadayo iyan sa sinehan, hindi naman pang-internet. Kahit na sabihin mong may international streaming pa, wala rin iyan. After all lahat naman ng inilalabas sa internet, maski na ang mga bading serye, may international streaming din.

Catriona Gray, laging napapagkamalang Australian dahil sa pangalan

Humingi na ng paumanhin ang Miss Universe Colombia kay Catriona Gray nang sabihin doon na siya ay isang Australian na kumatawan sa Pilipinas. “Language problem” lang daw iyon at walang intensiyon na insultuhin si Catriona o maging ang Pilipinas.

Pero hindi mo rin sila masisisi eh. Aywan nga ba kung bakit nitong mga nakaraang taon, ang laging candidate ng Miss Universe, hindi mo masasabing purong Pilipino. Iyon nga lang mga pangalan eh, halimbawa na nga ang Catriona Gray, o Pia Wurtzbach, o kahit na si Megan Young, hindi mo masasabi sa tunog pa lang na pangalangang Pilipino. Pilipino nga sila legally, pero maski sa pagsasalita garil sila sa salitang Pilipino.

Kaya kung may nagkakamaling ganyan, hindi mo sila masisi, o baka nga kasalanan na rin natin.

Nanalo naman ang Pilipinas kahit na mga tunay na Pilipino ang ipinadadala natin, kagaya nga nina Gloria Diaz, si Margie Moran, si Gemma Cruz Araneta. Hindi masasabing disadvantage ang kanilang pagiging purong Pinoy. Pero siguro nga dahil sa paghahangad na manalo, pinipili natin iyong “multi racial” o “mixed race” na inaakala siguro nilang mas may appeal sa international jurors.

Kung kami ang tatanungin, mas kahanga-hanga ang mga bansang kagaya ng Senegal, na wala pang naipapanalong Miss Universe, pero ang ipinadadala nila ay iyong pinakamaganda sa kanilang lahi. After all sa contests na ganyan, ang talagang gusto mo namang sabihin ay “may magaganda rin dito sa amin.” Hindi naman iyong “dito sa amin may nakapag-asawa ng dayuhan at maganda ang naging anak nila.”

Actually iyan ang isang point na dapat nilang pag-isipan sa pamimili nila ng mga candidate na ipapadala sa mga international beauty pa­geants.

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with