^

PSN Showbiz

Sec. Mark, tahimik lang gumawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga official natin na sobra ang pagod ay si Sec. Mark Villar ng Department of Public Works and Highways.

‘Yung dalawang magkasunod na bagyo talagang hirap na hirap ang kagawaran nila sa pagsubaybay sa pinsala sa mga lugar na tinamaan. Halos wala palang tulog si Sec. Mark Villar sa paglipat-lipat sa halos lahat ng lugar para tingnan ang pinsala na ‘yung pagtulong sa kapwa ay hindi lahat sinasabi o ipinakikita sa mga tao.

Sa pagtulong na ginagawa ng Villar family, hahangaan mo na hindi nila sinasabi, inaabot na lang. Ever since malapit na ang puso nila sa mas mababang miyembro ng ating society, dahil alam nila ang puso ng maging mahirap. Hindi kailangang hanapin kung ano ang ginagawa nila, sure ako na kumikilos sila, nag-aayuda.

Napaka-competent ng mga tauhan nila, sina Avec, Nini at Anna Mae, alam ko na hindi sila nasa iisang sulok lang at nakatingin, sure ako na nandu’n sila at nag-aabot ng tulong.

‘Yung pagod na ibinibigay ni Sec. Mark Villar, ganu’n din tiyak ang pagkilos nina Sen. Cynthia at Cong. Camille.

Huwag ninyong kalimutan na mula’t sapul, sipag, tiyaga at puso ang umiiral sa mga Villar.

Mga bagay, walang katiyakan

Natawa ako, Salve, nang tumawag ang dati naming writer sa Startalk na si Yani. Kasi nga siya sana ang isa sa writer ng pang-Sunday show ni Kris Aquino na kasama kami nina Cristy Fermin at Mr. Fu. Pareho palang team ang hahawak sa talk show nina Boy Abunda at ni Kris. So pinapili ang mga writer kung saang show sila mapupunta. Ang pinili ni Yani ay ‘yung suppo­sedly sa atin dahil feeling niya ay mas magaan ang trabaho at mas masaya. Pero wrong choice siya kasi nga hindi natuloy eh inaasahan na niya na may Christmas income siya.

Iyan ang sinasabi ko lagi, ‘yung mga bagay sa buhay ay kadalasan walang katiyakan. Sino ang mag-aakala na ilang araw bago mag-launch ang isang show, puwede itong hindi matuloy?

In a flick of a finger, your life can change, will change. Basta ‘pag hindi mo oras, hindi mo oras. Kaya lahat ng bagay ay wala talagang katiyakan, kaya dapat lang hindi mo asahan agad.

Sama-sama kasing energy para matuloy ang isang bagay, ‘pag may conflicting one, puwedeng ito ang maging dahilan para hindi mabuo ang gusto mong mangyari. Merong magic sa pagbuo ng kahit anong bagay, kaya dapat ‘yung magic na iyon ay huwag mawala, laging nandu’n, para laging buo.

Can you imagine Take It… Per Minute Me Ganun na tatagal ng ganito? Did you ever think na magiging closely knit tayo sa pagsasama natin once a week ng isang oras?

Hoping the magic will last longer, dahil foremost, enjoy tayo sa pagbuo ng TIPM MG every week, at parang member na ng family natin sina Japs Gersin at Tina Roa, pati sina PJ at Richie.

vuukle comment

MARK VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with