^

PSN Showbiz

Julia nagpakita na sa TV5

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Julia nagpakita na sa TV5
Julia

May mga nagtatanong ang appearance raw ba ni Julia Barretto sa Masked Singer Pilipinas noong Saturday bilang guest judge ay hudyat na ng pagpasok niya sa TV5?

Magiging Kapatid na nga ba talaga si Julia?

Ang Viva Television na sister company ng new talent management ni Julia, ang Viva Artists Agency, ay major blocktimer ng TV5 at producer ng Masked Singer Pilipinas.

Ano kayang show ang ibibigay ng Viva Television sa anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla?

Anyway, fresh na fresh si Julia sa guesting niya sa programa sa TV5 at halatang nag-enjoy siya sa pagiging guest judge nito.

May dialogue ang host na si Billy Crawford na welcome na bumalik sa Masked Singer Pilipinas si Julia.

Beauty queen-singer na umaangal sa panggagaya ng actress/singer sa MTV, dinedma ng fans

Ang himutok ng isang beauty queen-singer tungkol sa pamba-bash sa kanya ng mga fan ng isang sikat na actress/singer.

Nag-post kasi si beauty queen-singer tungkol sa MTV ni actress/singer.

Parang ginaya raw kasi sa MTV niya ang MTV ni actress/singer, sabi ni beauty queen-singer.

Pero ang problema nga lang ni beauty queen-singer sa komento niyang ‘yon, major star kasi si actress/singer at mas bongga ang promotions ng MTV nito, kaya mas napapanood ‘yon kumpara sa MTV ni beauty queen-singer na mas unang lumabas.

Well…

Mga nasalanta ng bagyo, dinadagsa ng tulong

Bibisitahin bukas nina Chemist Pinky Tobiano at Yeng Constantino ang limang evacuation centers sa Marikina City.

May ibang mga celebrity rin ang sasama sa kanila sa pamimigay ng relief goods.

Sabi ni Pinky, maraming celebrities and friends niya ang nag-donate para sa relief operation nilang ‘yon.

Sa Friday, sa Cagayan Valley naman sila magkakawanggawa kung kakayanin na makapag-land travel na sa lugar na ‘yon.

Nakakatuwa lang, Ateng Salve, na napakaraming mga tumutulong para sa mga nasalanta ni Typhoon Ulysses!

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with