ANC at Teleradyo programs dinala na rin sa digital

Noli de Castro, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga-Diaz
STAR/ File

Speaking of bagyo, puwedeng mag-update sa TV Patrol at iba pang programa ng ABS-CBN News sa YouTube, Facebook, at iba-ibang digital platform ng network na kasalukuyang hindi nakakapag-operate dahil walang franchise.

Maliban umano sa pangunahing newscast ng network na pinangungunahan nina Kabayan Noli de Castro, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga-Diaz, mapapanood na rin sa mas maraming digital platforms ang  Headline Pilipinas ng TeleRadyo at Dateline Philippines ng ANC.

Kaya pala noong Lunes (Nobyembre 9) ay naging visible na ang mga programa nila sa ABS-CBN News website (news.abs-cbn.com/live), YouTube channel (youtube.com/ABSCBNNews), Facebook page (facebook.com/ABSCBNNews), at sa ABS-CBN News App.

At makakahabol na rin umano ang mga kababayan natin sa ibayong-dagat sa iba-ibang palabas sa ANC at TeleRadyo sa ABS-CBN News YouTube channel at ABS-CBN News App. Kabilang diyan ang Headstart with Karen Davila, Matters of Fact, at Market Edge ng ANC, at Kabayan, Sakto,  TeleRadyo Balita, On The Spot, Lingkod Kapamilya, Headline Pilipinas,  SRO, Winner sa Life at Dr. Love ng TeleRadyo.

Show comments