Dennis, gaganap na tatlo ang asawa

Dennis Trillo

Sumalang na sa look test ang cast members ng inaabangang teleserye na  Legal Wives.

Ang cultural drama series, na isa diumano sa mga pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group, ay pagbibidahan ni Dennis Trillo kung saan makakapareha niya sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Ang serye ay iikot sa karakter ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).

Nauna nang sumabak sina Dennis at Bianca sa look test at sumailalim na rin dito ang mga beteranong aktor na sina Cherie Gil at Al Tantay na gaganap bilang mga magulang ni Ishmael na sina Zaina at Hasheeb.

Show comments