^

PSN Showbiz

Mga Artistang nagbigay ng ayuda, tumatak sa mga naka-trabaho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa naman marinig mula sa mga production people ang mga pangalan ng artista na naging mabuti ang loob sa pagbibigay ng ayuda sa mga medyo kinapos ngayong panahon pa rin ng pandemic.

Sila ‘yung mga artista na nagkusang magbigay at mag-abot ng tulong hindi lang pinansiyal kundi maging grocery items at bigas.

Tuwang-tuwa ang mga nakasama nila sa project na naabutan nila kahit papano dahil nga medyo nagipit sa trabaho.

Sa mga ganitong pagkakataon mo makikita kung sino talaga ang may malasakit sa kapwa, kung sino talaga ang kahit paano ay may pagmamahal sa mga katrabaho nila.

Ang sarap ng feeling na naka-share ka ng blessing sa mga kasamahan mo, dahil ‘pag nakita mo iyon happiness nila, parang ikaw na rin ang naging happy.

The art of sharing and giving ay talagang kapuri-puri kaya naman unforgettable sa nabigyan ng biyaya.

Sa mga artistang nagpakita ng kabutihan sa mga kasama nila sa trabaho a big big applause, sana nga tulad n’yo lahat ng may malaking talent fee o guaranteed contract na bukas-palad para tumulong.

Alfred at PM pareho na ang ginagawa

Ang magkapatid na Vargas - Alfred at PM ay parehong nahilig sa pulitika dahil siguro sa mother nila na si Atty. Ching Vargas na nagtrabaho sa gobyerno nang mahabang panahon.

Maaga siguro silang na-expose sa mga ginagawa ng kanilang ina kaya naakit sila na pasukin din ang trabaho na may kinalaman sa pulitika at gobyerno.

Naalala kong pinayagan lang si Alfred ng kanyang ina na maging artista basta matapos niya ang pag-aaral niya sa Ateneo. Si PM naman ay naging assistant ni Alfred bago sumabak din sa pulitika.

Ngayon isang konsehal ng QC si PM.

Masasabi ko na sila Alfred at PM ay mga batang pulitiko na alam ang mga ginagawa at gagawin para maayos ang kanilang nasasakupan.

Dedicated sila at may foresight kaya hindi kataka-takang mahal sila ng mga nasa distrito nila.

Sana nga patuloy silang maglingkod at pagandahin ang distrito na kanilang nasasakupan.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with