Showtime tuloy ang magpasikat, Julia binura ang âbuweltaâ kay Kim
Julia
STAR/ File
Showtime tuloy ang magpasikat, Julia binura ang ‘buwelta’ kay Kim
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

Sa kabila pa rin ng pandem­ya at bantang super bagyo, magaganap ngayong Sabado (Oktubre 31) ang inaabangang taunang Magpasikat competition tampok ang sari-saring pasabog ng apat na teams kabilang na ang pagsasanib-puwersa nina Vice Ganda at ang first timer na si Kim Chiu, samantalang magkakagrupo naman sina Vhong Navarro, Amy Perez, at Jackie Gonzaga na inihanda ng hosts bilang regalo sa ika-11 nitong anibersaryo ngayong linggo.

Magiging magkakampi namang muli sina Karylle at Jhong Hilario kasama si Ion Perez, at tatak-Jugs and Teddy rin ang handog na performance ng tandem kasama si Ryan Bang.

Bagama’t limitado diumano ang mga pasabog nila dahil sa kasalukuyang quarantine, tiniyak ng buong It’s Showtime family na maaaliw ang madlang people sa ihahain nilang performances. “Kahit mahirap ang kondisyones, mahirap mag-perform ngayon kasi may mga safety protocol tayong susundin. Limitado ang budget at tao kasi hindi tayo masyadong pwedeng mag-aksaya. We will still try to deliver a good form of entertainment. Serbisyo sa pamamagitan ng entertainment - ibibigay po namin sa inyo ‘yan,” pahayag ni Vice na nag-ahit ng kilay kahapon on air nang maging Tumpak Tracer sa hit segment na Mas Testing.

At magkakaroon din ng bonggang appearance ni Anne Curtis at magbibigay din daw sila cash prizes   sa mapapalad na online viewers sa Mas Testing, Name It To Win It, at Hide and Sing.

Anyway, controversial ngayon ang Mas Testing sa ‘funishment’ ni Kim kung saan napa-comment siya ng “tapos, pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto.” Na parang the usual joke lang ‘din naman ng isang nagulat.

Inutusan kasi siyang pusuan ang limang post ng kanyang ex na actor na consistent nga ang chikang sila na nila Julia Barretto after Gerald Anderson and Bea Alonzo.

Kaya naman naikonek ng netizens ang post ni Julia na naka-pink dress habang nasa damuhan na may caption na “out here minding my own business.” Pero  binura rin ni Julia matapos ngang dagsain ng comments.

Kaya nang mapansin ‘yun ng iba niyang follo­wers, ang analysis nila, isang malaking tuldok na ang ginawa ng actress sa issue nila ni Kim.

JULIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with