Engagement ni Liz Uy nag-trending
Liz Uy
Engagement ni Liz Uy nag-trending
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Hinahamon ng #HowItStartedChallenge ng netizens!

Trending kahapon ang stylist na si Liz Uy matapos nga siyang magkaroon ng social media announcement na engaged na siya. “In all lifetimes, always a yes”  ang simpleng caption niya sa kanyang photo na kita ang suot na ring. Hindi naman kasama sa photo ang partner niya.

Dagsa ang celebrity friends niya na nag-congratulate sa kanyang engagement sa businessman na si Raymond Racaza tulad nina Alex Gonzaga - “Im so happy for you!!! Mas alam pa pala ni mikee!!!! Love u ach!!!!;” Karen Davila ; “Oh wow I know your story and am happy that you both got a second chance at love in this lifetime catch up soon pls! Hindi lang puro NetaPorter Q&A sa whats app lol” at marami pang iba.

Common knowledge na ex ng isang kilalang doktora, Dra. Ging Zamora, ang nasabing negosyante. Isang rheumatologist si Dra. Ging Zamora.

Prior sa announcement ni Ms. Liz ay nauna nang nag-announce ng engagement ang doktora na diumano’y matindi ang sakit na naranasan sa naging relasyon nila Liz sa ex - diumano - sa isa ring doctor - cardiologist Lauro “Sonny” Abrahan IV.

Kaya ang challenge ng netizens kay Ms. Uy, ikuwento niya kung paano nag-start ang romance nila ng businessman. Curious daw sila. May pa-hashtag pa ngang #HowItStartedChallenge ang netizens.

Saka salbahe rin talaga ang iba dahil sinasabi nilang very Korean drama daw ang love story ni Ms. Uy sa negosyante.

Meron ding nagagalit sa mga nag-congratulate na celebrities sa sikat na stylist na nabalita noong naging ex din nina John Lloyd Cruz and former president Noynoy Aquino. Ang rason nila - netizens, bakit daw may ganun pa sila samantalang alam naman nila ang story.

Hmmm. Ano nga bang story ‘yun?

Anyway, wala namang masama sa challenge ng netizens kay Ms. Uy. Kung alam naman niya ang totoong mga nangyari sa kanila.

Maalang three years ago ay nanganak sa US si Ms. Uy na ang ama nga ay ang nasabing businessman.

LIZ UY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with