Paulo, nahirapan sa mga lalaking humahabol kay Ivana
Paulo
Paulo, nahirapan sa mga lalaking humahabol kay Ivana
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

Sumabak na rin sa pagiging mo­vie producer si Paulo Avelino. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ng aktor na maging producer para sa Aswang episode ng digital film na Sitsit.

Mapapanood ito simula October 31 sa iWantTFC. Para kay Paulo ay mas mahirap magtrabaho sa likod ng kamera. “I wanted also portfolio for my film production. Medyo mahirap kasi ‘pag full time na rin talaga. So I’m very thankful for this opportunity that we had for iWant. When we were creating this episode, we were choosing what to start with. Then eventually Aswang came up because nando’n ‘yung aso, nakakatakot din siya. Nahihirapan kami humanap ng babae so no’ng na-mention ng Dreamscape si Ivana, game na agad. Shoot na natin ito bago siya maging busy sa soap,” kuwento ni Paulo.

Ayon sa aktor ay talagang nahirapan ang buong production team nang kunan ang mga eksena ni Ivana Alawi sa Poblacion, Makati. Mabuti na lamang daw at natapos na ang shooting bago pa ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. “Lahat naman siguro ng lalake crush si Ivana. Na-meet ko siya, napakabait. Malayo siya sa pino-portray niya sa YouTube niya or sa photos niya. Simple lang siya na medyo tahimik, matuwain. Medyo mahirap din for the production kasi parang lahat gustong magpa-picture, gustong lumapit kay Ivana. Tapos hindi naman namin puwedeng ipasara totally ‘yung Poblacion no’ng time na ‘yon,” pagbabahagi ni Paulo.

Kahit nahirapan ay aminado naman si Paulo na na-enjoy niya rin ang pagi­ging producer ngayon. “Ayokong nagkakaproblema sa set. Kung may problema at least ang dali nilang pwedeng sabihin sa akin. Ayoko ng, ‘Producer ako, respetuhin n’yo ako.’ Gusto ko parang kaibigan lang talaga ‘yung trato. Tutok ako pero hindi naman ‘yung napi-pressure ‘yung mga tao. Kasi ayoko rin namang mangyari ‘yon. Nando’n pa rin ‘yung freedom nila for their creative expression of the shots, para sa mga artista. I’m just there to help and see what I can help with,” paliwanag ng aktor.

Jaclyn, ‘di madalaw si Andi at mga apo sa takot magkasakit

Mahigit tatlong dekada nang aktibo sa show business si Jaclyn Jose. Aminado ang premyadong aktres na nahihirapan ngayon sa trabaho dahil sa ipinatutupad na safety protocols dahil sa pagkakaroon ng pandemya. “Ang hirap tanggapin at first ng new normal. Hanggang ngayon hindi ko siya matanggap. When you’re not young anymore, you’re looking for your life na kinalakihan. I think I’m not young anymore to adjust easily. It’s so hard for me. Sobrang ingat, hindi lumalabas. But we have to work, we all have to accept this,” pagtatapat ni Jaclyn.

Kahit ang mga apo sa anak na si Andi Eigenmann ay hindi rin madalaw ngayon ni Jaclyn dahil sa takot nitong lumabas. “Hindi ko ginagawa, madalang ako nagpupunta do’n kasi iniiwasan ko ‘yung sumakay ng elevator, nakakatakot eh, mahirap magkasakit. My daughter is pregnant and I have little girl and Ellie kaya iniiwasan ko ang pagpunta sa kanila. Noon pa sinabi ko na before I start (shooting ng pelikula), once naka-swab na, I can’t go out anymore. Hindi ako nagpapapasok (sa bahay),” kuwento ng beteranang aktres.

Natapos na ni Jaclyn ang shooting para sa pelikulang pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Jasmine Curtis-Smith. Ngayong linggo ay sisimulan naman ng aktres ang pelikulang pinagbibidahan ni Kylie Verzosa na The Housemaid. “Kailangan din nating magtrabaho kaya ‘pag may opportunity na ganito, na maganda ‘yung offer at sigurado ka na you’re going to be safe, you have to accept it. ‘Yung sistema ng katawan ko hindi sanay na hindi umaarte because this is what I do best in life. Therapy ko ‘to eh, so tumatanggap ako ng trabaho. Ingat na lang talagang mabuti,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with