Nanay ng magkapatid na showbiz pasadong manager, direktor at editor
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

Kung pagiging atribida ang pag-uusapan ay nagkakaisa ang mara­ming taga-produksiyon na tahimik lang siya pero walang kakabog sa pagiging pakialamera ng ina ng mga kilalang babaeng personalidad.

Hindi nga mareklamo ang kanyang mga anak, todo-pasa lang, pero ang kanilang ina naman ang maraming tsetseburetse sa karera ng magkapatid.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng gumawa ng movie ang anak niya na ang partner, e, sikat at guwapong personality, marami siyang hanash sa production.

“Dapat daw, e, lagyan ng AND ang anak niya sa billing, tapos, e, naka-box pa dapat. Parang napaka-unfair naman nu’n sa male personality, siya ang pambenta sa mga kababaihan, kaya hindi nasunod ang gusto ni madir!

“Maraming nainis sa kanya, dumiretso kasi siya sa mga bossing, nilampasan niya ang mga tagapamuno ng production. Atrebida si madir, sa totoo lang,” madiing unang kuwento ng aming source.

Sa isang serye naman kung saan bumibida ang isa niyang anak ay palagi rin siyang suki ng mga taga-production dahil sa kanyang mga reklamo. Marami siyang suhestiyon, marami siyang gustong ipabago, gusto yata niyang maging direktor.

Patuloy ng aming impormante, “Bakit daw ang anak niya ang nagda-dialogue, pero naka-focus ang camera sa ibang character? Dapat daw, e, nakababad ang camera sa anak niyang bumibida?

“Sinasabihan siya ng kausap niya na kailangang kunin din ang reaction ng kaeksena ng anak niya, hindi puwedeng siya lang ang ipinakikita sa eksena!

“Sabi nga ng isang staff, ‘E, kung si mommy na kaya ang magdirek at mag-edit? Tutal naman, e, marami siyang reklamo! Parang alam niya ang lahat!’

“Palagi siyang ganu’n, sobrang inaalagaan niya ang career ng mga anak niya, hindi niya alam na nakakapanakit na siya at nakakasagasa ng damdamin ng mga kausap niya!” naiinis na ring sabi ng source.

At magaling siyang manager, naibebenta niya nang sabayan ang mga anak niya, lumalabas tuloy na package deal ang magkapatid sa mga proyekto.

“Du’n siya magaling, maboka si mommy sa pagtanggap ng project, kung isang anak lang niya ang kailangan, naibebenta niyang pareho ang mga dyunakis niya!

“Hindi siya makuda, simple lang si mommy, pero sa katahimikan niyang ‘yun, e, sangkatutak ang mga gusto niyang mangyari.

“True, kahit siguro ang mga anak niya, e, nakukulili na ang magkabilang tenga sa mga reklamo ng madir nila! Stage mother!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Raffy Tulfo, naging tagalinis ng mesa at sapatos sa Amerika

Hatinggabi na nu’ng Sabado, matagal nang tapos ang Usapang Real Life ni Ms. Luchi Cruz Valdes, ay sunud-sunod na tawag at text pa rin ang aming tintanggap dahil sa kanyang panauhing si Raffy Tulfo.

Mga sosyal at masa ang kausap namin, pero iisa ang kanilang damdamin, ang guwapo-guwapo raw at walang kayabang-yabang ang palabang newscaster.

Ipinapadala namin kay Kuya Raffy ang mga mensahe, puro thank you lang ang kanyang sagot, napakasarap naman kasing ibaon sa pagtulog ang mga papuring ipinarara­ting namin sa kanya.

Sabi ng isang abogadong ka-text namin, “Sa buong interview, there was no sign of kayabangan kay Raffy. Ang pag-upo niya na medyo nakayuko siya, ‘yung hand movement niya na simple lang, it really shows his low key persona­lity.”

Manghang-mangha naman ang isang kaibigan namin nang malaman nito mula sa mga kuwento ng host ng Wanted Sa Radyo at Idol In Action na nu’ng mapadpad pala siya sa Amerika ay nagtrabaho siya bilang tagalinis ng mesa sa isang restaurant, nag-clerk, naglinis ng sapatos (shoeshine boy).

“And look where he is now, siya na ang pinagsusumbungan ng mga kababayan natin earning millions sa YouTube channel niya,” pahayag ng aming kaibigan.

Ibinahagi rin ng walang inuurungang news anchor-komentarista ang pagiging pasaway niya nu’ng nasa high school pa siya. Naglayas siya sa kanilang bahay, nakipagbarkada, duma­ting pa ‘yun sa puntong natutulog siya sa Luneta.

“Pero pinagsisihan ko nang lahat ‘yun, palagi kong sinasabi sa programa ko na huwag nilang tutularan ang ginawa ko. Buma­ngon ako, nagsipag at nangarap,” pagtutuwid ni Kuya Raffy.

Sa kanilang magkakapatid na mas kilala sa taguring Tulfo Brothers ay siya ang pinakasikat ngayon. Malayung-malayo na ang estado niya kina Kuya Ramon, Kuya Ben at Erwin.

Napakabukas kasi ng kanyang puso sa mga kababayan nating may matinding pangangailangan, siya ang boses ng mga inaapi, kaya patuloy siyang binibiyayaan ng kapalaran.

At sa bawat tagumpay na ina­ani niya ay isa lang ang palaging bukambibig ni Raffy Tulfo, “To God be the glory.”

UBOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with