Bagong partner ni Coco, Julia papasok sa Probinsyano?!
Bagong partner ni Coco, Julia papasok sa Probinsyano?!
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

Almost 1:30 na natapos ang Take It… Per Minute, Me Ganun kahapon nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Naaliw si Manay Lolit sa throwback chika niya tungkol kay the late Rudy Fernandez na nagka-affair pala sa isang Madam ng showbiz.

Yup, as in hindi inexpect ng viewers na may nakaraan pala si Daboy at si Madam.

Ang daming kuwento ni Nay Lolit, lalo na ang naganap sa wake ng dating actor kung saan dumating si Madam kasama ang kanyang grupo.

Ang ginawa raw ni Lorna Tolentino - misis ni Daboy, pinalinisan ni LT ang body ni Daboy.

Eh 4:00 p.m. daw dumating si Madam, pero talagang nagmaldita daw si Lorna. Hanggang inabot ng 11:30 p.m. bago uli lumabas ang body ni Rudy for viewing ng mga nakikiramay.

Pero cool pa rin daw si Madam hanggang sa umalis.

Maraming na-surprise na nanood kahapon na nagkaroon pala talaga ng something si Daboy kay Madam.

Kaya nga hindi na tuloy napag-usapan ang tungkol sa diumano’y pagpasok ni Julia Montes sa Ang Probinsyano.

Yup, ayon sa chika, ito raw ang magiging bagong leading lady ni Coco Martin dahil si Yassi Pressman daw ay napupunta na ngayon kay Ri­chard Gutierrez base sa development ng five-year old teleserye ni Coco.

Actually ang gaganap daw na ama ni Julia ay si Benjie Paras.

Oww, true ba? Kaya ba nag-iba ng hair color si Julia ngayon?

Marami pang ibang pinag-usapan at binigyan ng opinion ng mga beteranong showbiz talk show hosts ng TIPMMG sa episode 71 kahapon, kaya sa mga hindi pa nakapanood, maki-Team Replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

Salamat sa lahat ng mga nanonood.

TAKE IT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with