Vic at Joey, enjoy na sa WFH
Vic at Pauleen
STAR/ File
Vic at Joey, enjoy na sa WFH
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

Mukhang enjoy na sina Vic Sotto at Joey de Leon sa work from home na set-up. Kampanteng-kampante na sila na sa bahay talaga kinukunan ang segments nila. Pero siyempre, iba pa rin ang rapport ‘pag lahat sila ay nasa studio at may audience. Hirap pa rin na wala kang naririnig na reaction sa ginagawa mo, at mabuti na lang kitang-kita ang husay ng mga host na talagang ‘yung audience nila sa bahay ay hindi bumibitaw sa kanila.

Dahil med­yo nagri-relax na sa protocols, baka sakali na wala mang audience, live na together sa studio ang mga kasali sa Eat Bulaga. Siguro sabik na rin naman sila na magkita-kita dahil matagal din na na-miss nila ang bawat isa.

Sige na, Joey at Vic, punta na kayo sa studio once in a while, puwede na kayo ulit sumali sa live, para lalong sumaya ang Eat Bulaga, mula Luzon hanggang Jolo, hah hah wala pa rin tatalo.

Vice, pinatunayang marunong humawak ng pera

Ang isa pa siguro na nagkaroon ng malaking problema sa pagpasok ng pandemic ay ‘yung merong ipinagagawang bahay. Imagine mo ‘yung laki ng bahay ni Vice Ganda na nabitin siguro for a while ang construction, dahil sa lockdown at quarantine na naganap. Kung hindi siguro nag-pandemic, tapos na tapos na iyon at fully furnished na.

Inspiring ding makita ‘pag merong nagiging property na tulad nito ang mga artista, dahil nakikita mo na may pinupuntahan ang kinikita nila, nakikita na talagang kaya sagad ang trabaho nila dahil nga may gusto silang makamtan.

Sana nga tuluy-tuloy pa rin ang pagkita nila ng pera at hindi affected ang trabaho dahil sa mga bagong pangyayari sa paligid.

Ang laki rin ng maintenance mo ‘pag ganyan kalaki ang bahay mo. Pero siguro nga patunay na hindi nilulustay ni Vice Ganda ang kanyang kita sa showbiz kaya hayun, ang laki ng bahay na naipatayo niya.

At suwerte rin na tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya. Kaya sana maging inspirasyon sa lahat ng artista ang nakamtan ni Vice Ganda, para magsikap din sila na makapagpatayo ng ganun kagarbong bahay.

VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with