Aldenâs Reality, may VIP package
Alden
Alden’s Reality, may VIP package
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

Excited na inabangan ng fans ni Alden Richards ang pagbubukas ng ticket sales para sa anniversary concert ng Asia’s Multimedia Star sa December 8, ang Alden’s Reality. Ang sabi, ito ang kauna-unahang virtual reality concert sa bansa kaya naman excited ang kanyang fans.

Iba pa raw ito sa usual virtual o online concerts na ginagawa ngayon dahil sa element nitong virtual reality. Gamit ang teknolohiya ay magkakaroon ng chance ang mga manonood na makipag-interact kay Alden. At dahil online ito, kahit mga Kapuso abroad ay makaka-join daw sa panonood.

Available na ang ticket sa www.gmanetwork.com/synergy. P999 ang presyo para sa general admission. Ang mga nasa Pilipinas, may special treat dahil pwede silang maka-avail ng special VIP package sa halagang Php 1,200. Kasama ng isang general admission ticket ang isang exclusive VR device na pwedeng magamit sa panonood ng concert ni Alden.

Si Paolo Valenciano ang director ng Alden’s Reality.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with