Benjie, ini-stalk ng bading na make-up artist
Benjie Paras
STAR/ File
Benjie, ini-stalk ng bading na make-up artist
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2020 - 12:00am

Meron palang stalker na make-up artist si Benjie Paras. Kaloka, na hindi man lang natakot si Jet Salcedo na isang gay Ilonggo make-up artist na panay ang comment sa Facebook page ni Benjie Paras at  tina-tag pa raw niya ng kung anu-anong sa mga post niya at kung anu-ano rin ang sinasabi sa kanyang Facebook. Tumatawa lang si Benjie pero hindi maganda na hinahayaan ang mga ganitong ginagawa na kahit anong isipin ni Benjie ay hindi niya kilala si Jet Salcedo kaya nagtataka siya kung bakit nagpa-follow sa Facebook niya at maraming comments na ginagawa.

Kung merong issue si Salcedo, sabihin niya sa akin at baka matulungan ko siya.

Huwag niyang inaasar si Benjie dahil wala itong panahon sa ganyan. At kung iisipin mo, para namang napaka-cheap patulan ng mga sinasabi ng hindi mo kilala.

Hay naku, talagang pati gay make-up artist may issue kay Benjie, ganun yata kalakas ang charisma niya, kahit pa may anak na mga binata na, pati gay humahabol pa joke joke, hah hah.

Tigilan mo na, Jet Salcedo, aksaya lang ng oras iyan, mag-make up ka na lang, mas maganda pa ang kalalabasan.

Pasko hinihintay pa rin ng mga Pinoy...

Good sign na nakikita ko na marami pa ring bahay at lugar na naglalagay ng Christmas decors.

Para nga naman kahit paano sa gitna ng pag-ulan at takot sa covid-19 madama pa rin natin na heto padating na ang happiest season sa kalendaryo, ang December, ang Pasko at Bagong Taon.

Ang 2021 yata ang pinakahihintay na taon ng lahat dahil nga sa daming mga naganap na bad things ng 2020.

Halos lahat minamadali na ang pagtatapos ng taon para mawala na ang parang nightmare na naganap. Hah hah, ibang-iba na lahat ng senaryo sa paligid, pero ‘yung happy disposition ng mga Pilipino hindi pa rin nawawala at talagang lahat meron pa ring pag-asa sa puso na talagang tanggap na kung anuman dumating.

Ang saya ring makita iyong mga parol at ilaw kaya sige na ilabas na iyan para ikabit sa bahay, it will give hope and peace. Merry Pasko and Happy real New Year 2021.

BENJIE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with