Frontline⦠at Ted sabay ang umpisa
Ted
STAR/ File
Frontline… at Ted sabay ang umpisa
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

Aarangkada na sa Lunes, October 5, ang Frontline Pilipinas, ang pinakabagong news program ng TV5. Pangungunahan ito ng mga batikan at multi-awarded broadcast journalists ng bansa - sina Raffy Tulfo, Cheryl Cosim, Luchi Cruz-Valdes, Ed Lingao, at Lourd De Veyra.

Kilala si Raffy Tulfo bilang Hari ng Public Service dahil sa kanyang pagbibigay ng serbisyong pampubliko sa masa na natutunghayan sa kanyang mga programa sa TV at radyo. ‘Di rin kaila ang husay niya sa paghahayag ng balita at komentaryo sa higit dalawang dekada niyang karanasan. Kasama ni Raffy Tulfo si Cheryl Cosim na ilang dekada na rin sa industriya ng broadcasting.

Ang batikang broadcaster na si Luchi Cruz-Valdes ay kilala sa galing niyang maglahad at maglabas ng kwento at katotohanan mula sa kanyang mga kapanayam. Siya ang mangu-
nguna sa one-on-one interviews ng mga nagbabagang balita ng Frontline Pilipinas.

Isa sa mga beteranong journalist sa bansa na si Ed Lingao na kilala para sa kanyang mga “hard-hitting stories” sa giyera at pulitika, ang mangunguna naman sa kayang sariling segment na, News ExplainED, kung saan ay bubusisiin niya ang mga istor-yang pinag-uugatan ng malalaking balita.

Kasama rin sa programa si Lourd de Veyra, na magbibigay komentaryo at magsisilbing social mood checker sa solo segment nitong, Word of the Lourd.

“Maaasahang kasangga sa pagbabalita, boses ng may alam at may pakialam at balita’t impormasyong dapat malaman,” ang gustong isulong ng programa.

Magsisimula ang programa sa ulo ng mga balita at susuportahan ito ng mga balita na may kaugnayan sa isa’t isa.

Misyon din ng programa, kabilang ang anchors nito na mag-ulat ng may pagpapahalaga sa mga viewers.

Abangan ito simula ika-5 ng Oktubre (Lunes) 6:30-7:30 p.m. na mapapanood sa TV5 at OnePh. Mapapanood rin ito tuwing gabi, Lunes hanggang Biyernes, simula 8:00 p.m. sa One PH Channel 1 sa Cignal TV.

Kasabay ng pagsisimula ng Frontline Pilipinas sa Monday ang Ted Failon & DJ Chacha @ Radyo5.

Apat na oras ang nasabing programa nina Manong Ted at DJ Chacha na combination ng news and music.

Mamimigay din diumano sila ng cash prizes.

TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with