Myrtle, malaki rin ang kita sa paglalaro
Myrtle
Myrtle, malaki rin ang kita sa paglalaro
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2020 - 12:00am

Napakinabangan ni Myrtle Sarrosa ang mga computer equipments, na ngayong pandemic niya lang na-realize na ang dami na pala. Nagamit nga niya ‘yun para mag-create ng maraming content sa kanyang social media platforms.

Naging ‘digital consultant’ pa siya ng Megasoft para mas maka-adapt sila sa demand ngayong may pandemic.

Kaya naman, since last March nang ipatupad ang community qua-rantine, naging busy din si Myrtle. And like YouTube, malaki rin ang income sa pagiging gamer niya. Kailangan lang daw ng isang gamer na maka-collect ng maraming ‘star.’ “Yung binibigay sa ‘yong star ng viewers at the end of the month puwede mo siyang i-convert sa money,” banggit ni Myrtle.

Pero ang mas maganda pala sa pagiging gamer, may fixed na binibigay sa kanya. Though ayaw niyang i-disclose kung how much. “It was a lot, back then, pero ngayon ata hindi na as much dahil marami na in the market but it would really depend on how active you are sa pag-livestream,” dagdag niya.

Nagko-compete siya sa Ragnarok kaya naman talagang hindi siya nawalan ng gagawin kahit nasa loob lang siya ng bahay for more than six months now. “Ang training namin run for three hours everyday. So ganun siya katagal. Trai-ning pa lang ‘yun, hindi pa kasama ‘yung actual game.

Pag may totoong competition na : “Nag-uumpisa kami 4:00 p.m. natatapos kami 1:00 a.m.” Pero may break naman daw ‘yun na 30 minutes to one hour.

“Hangga’t kaya ng brain mo. Minsan lang ang sakit na sa mata. Pero kailangan mong mag-focus kasi dapat mabilis ka rin mag-isip ng strategy. Tapos iisipin mo paano kayo maggi-game play as a team,” dagdag niyang kuwento sa renewal niya ng contract as ambassadress ng Sisters Napkins and Pantyliners ng Megasoft Corporation last week.

Dalawang Filipino, tatlong Malaysian and isang Singaporean ang members ng team niya kaya naman daw talagang napalaban siya sa Inglesan. “Masaya siya. Dahil dun nagkaroon din ako ng friends sa other countries.”

Ayon pa kay Myrtle, matagal din walang Pinoy player ng Ragnarok at parang first time for so many years na may nakapasok na Pinoy at natatanging Pinay na pasok sa Top 100 Ragnarok Gamers sa Southeast Asia. “Sobrang honor siya kasi sa previous seasons, walang Filipino na nakapasok sa Top 100. Tapos ‘yung goal ko talaga for this season, kahit makapasok lang sa Top 600. Pero together with my teammates and other fellow Filipinos who played together with me, nakapasok kami sa Top 100,” pahayag pa ni Myrtle.

Ibinahagi rin ni Myrtle na minsan ay nakalaban niya sa Ragnarok si Alden Richards. Looking forward din siyang maka-collaborate ang aktor.

“Sana maimbita ko siya to play with me. I actually played against him, sayang. I hope next time, we can play together naman. Nakakatuwa ‘yon, I mean he’s very good din sa video games ‘tsaka nakakatuwa rin ‘yung mga live stream niya, I hope we can collaborate.”

Pero, hindi pa rin mawawala sa puso ni Myrtle ang pagko-cosplay kung saan siya unang nakilala. Sa katunayan, naging guest siya sa online show ng GMA Artist Center na Cool Hub ang cospla-yers na nagwagi noon sa Gyeonggi International Cosplay Festival sa Bucheon, South Korea.

Anyway, eighteen months ang pinirmahang contract ni Myrtle sa Megasoft last week.

Struggling to survive ang Megasoft Corporation ayon mismo kay Ms. Aileen Choi-Go.  “Ang nangyari nung mag-ka-lockdown, alam namin  sa social media hindi lang namin alam ang process. Sakto naman na si little sissy techy (Myrtle), so siya ang nagtuturo sa amin kung ano ang gagawin namin. Siya ang tumulong sa amin para mag-set up ng kung anu-ano diyan, wala kasi talaga akong idea kasi ang alam ko lang kasi Facebook. Akala mo pag ma-FB ka na, techy ka na. Hindi pala, meron pa pala beyond that,” kuwento pa ni Ms. Aileen.

Kaya naman ngayon, ang lakas ng presence ng Megasoft digitally. In fact, dahil essentials sila kung saan nag-launch din siya ng facemasks and face shields, mas lumakas ang demand. Ang naging problema lang nila, since limited ang movement ng suppliers, hindi na halos sila maka-meet sa lakas ng demand.

MYRTLE SARROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with