^

PSN Showbiz

Relasyon nina Raymart at Jodi, na-expose na?

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Relasyon nina Raymart at Jodi, na-expose na?
Jodi at Raymart
STAR/ File

Since April?

Sina Raymart Santiago and Jodi Sta. Maria na pala?

Last April lang diumano (pandemic na) nag-um­pisa ang relasyon ng dalawa ayon sa isang reliable source. Pero last year pa raw nanliligaw si Raymart sa Kapamilya actress ayon naman sa isa pang source.

May nagpadala sa akin ng litrato nila Raymart and Jodi - ‘romantic moments’ sa isang dinner na pa-surprise diumano ni Jodi for Raymart.

Special ang set-up at animo’y may special occasion silang sini-celebrate.

Pareho pa silang naka-facemask paglabas ng venue na binanggit sa akin ng source, (meaning new photos) sa Ayala, Alabang. Pati ang nag-cater ay idinetalye ni reliable source.

At mukha naman hindi retokado ang mga nasabing litrato.

Last January pa diumano split si Raymart sa executive ng Ayala corporation na si Ms. AC Legarda, cousin ni former senator now Rep. Loren Legarda na diumano’y si Raymart pa ang nakipag-break.

Si Jodi naman, after ng break up with Cavite Vice Governor Jolo Revilla ay wala nang nabalitang ­na­ging boyfriend.

“Parang wala Kapamilya,” ang replay naman sa akin ng isang executive ng ABS-CBN na tinanungan ko na baka naman sa taping or shooting kuha ang nasabing photos.

Well, walang masama. Pareho silang walang sabit kung totoong sila nga nga.

Parehong walang nakakaalam kung anong dahilan ng break-up nila Raymart kay Ms. Legarda at ni Jodi kay Vice Gov. Jolo na ngayon ay married na sa former beauty queen na si Angelica Alita. Nagpakasal sila sa Amerika last year.

Wala ring binabanggit si Raymart at ang ex wife niyang si Claudine Barretto kung annulled na ang marriage nila. May dalawang anak sina Raymart and Claudine, sina Sabina and Santino. Adopted si Sabina. Recently lang ay may ipinakilalang bagong ‘anak’ si Claudine, si Noah Joaquin.

Si Jodi naman ay may anak sa former husband niyang si Pampi Lacson, si Thirdy (14 years old), na magdadalawa na ang anak sa karelasyong si Iwa Moto.

Bukas ang espasyong ito in case na gustong magbigay ng statement nina Raymart and Jodi. O itanggi / itama ang tungkol sa sinasabing relasyon nila.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with