Alden, priority pa rin ang makahanap ng dyowa
Alden
STAR/ File
Alden, priority pa rin ang makahanap ng dyowa
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

Nasa top priority pa rin pala ni Pambansang Bae Alden Richards ang pagkakaroon ng lovelife o karelasyon dahil hindi na nga raw siya bumabata.

Ito ang isa sa mga inamin ng Kapuso actor sa Zoom conference nu’ng Biyernes ng cast ng Love On The Balcony episode ng bagong drama anthology ng GMA Network na I Can See You na magsisimulang umere bukas, September 28, sa Telebabad block. “Siyempre, mas masarap pa rin ’yung meron. Siyempre, ’di naman natin pwede... mas masarap pa rin na everyday may nangungumusta sa ’yo, may nag-aalaga sa ’yo.

“But sa ngayon, since limitado ’yung contact kasi hindi naman talaga natin pwedeng i-risk ’yon just because we wanted to have it right at this moment, ah, so far, ah, nai-enjoy ko pa naman ’yung buhay ko ngayon.

“But eventually, siyempre, if everything will be back to normal, kailangan nating i-prioritize ’yon, kasi I’m not getting any younger. I’m already 28, turning 29 in January, so, parang nasa top priority naman siya.

“Pero sa ngayon, chill muna ngayong may pandemic pa kasi sobrang laki niya kasing hindrance, balakid siya sa lahat ng plano mo sa buhay ngayon. Kasi hindi ka makakakilos nang maayos, tapos kailangan mo lang i-seize ’yung mga opportunity na nasa iyo ngayon, ’wag mong sayangin and number one talaga ’yung ’wag mong makuha ’yung virus kasi once na makuha mo siya, restricted ka na kahit hindi ka pa positive. All the more ’pag nag-positive ka pa. Mas malala ’yung effect niya and hindi natin pwedeng i-secret ’yung pagiging positive about the virus kasi andaming pwedeng madamay.

“So, sa ngayon, ini-enjoy ko muna ngayon itong nangyayari sa akin and being safe po at the same time.”

Sobrang grateful nga raw ng aktor na sa panahon ng pandemya, eh, isa siya sa blessed na makapagtrabaho pa rin sa kaliwa’t kanang assignments at endorsements. Pero, giit niya, naaawa rin daw siya sa mga kapwa niya celebrity na hindi kasing palad niya.

Kaya naman since blessed siya, sinisigurado ni Alden na kahit papaano ay nakakatulong siya sa mga nangangailangan, mapa-artista man o ordinaryong mamamayan.

Gaya ni Kris Aquino, naniniwala ang aktor sa kasabihan na “to whom much is given, much is expected in return.”

Kaya naman bukas-palad siya sa pagtulong kanino man.

Anyway, dahil nga busy sa kabi-kabilang trabaho, hindi na mabilang pa ni Alden kung nakakailang swab at rapid tests na siya para masiguro na fit to work siya.

Awa ng Diyos, negatibo naman ang lahat ng resulta nito. Sa October, sasailalim na naman daw siya sa panibagong swab test.

Kasama ang hakbang na ito sa anti-Covid-19 protocols at precautionary measures ng GMA-7 sa ilalim ng tinatawag na “new normal” sa lock-in location shoots/tapings.

Gaya ni Alden, sumailalim din ang Love On The Balcony co-stars niyang sina Pancho Magno at Jasmine Curtis-Smith sa anti-Covid-19 protocols at precautionary measures.

At any rate, ang Love On The Balcony ay kwento ng wedding videographer na si Gio (Alden), na makikilala at mai-in-love sa frontline nurse na si Lea (Jasmine).

Kasama nina Alden, Jasmine at Pancho sa cast sina Denise Barbacena at Shyr Valdez sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with