Enzo Pineda gumaling sa COVID-19
Enzo Pineda
STAR/ File
Enzo Pineda gumaling sa COVID-19
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Bago inamin...

Nagka-COVID 19 din pala ang Star Magic actor na si Enzo Pineda. Pero magaling na siya.

Ang ama niyang si Rep. Eric Pineda, former business manager ni Sen. Manny Pacquiao lang ang nabalitang na-infect ng coronavirus, pero pati pala ang actor.

“Officially a Covid-19 Survivor I want to thank my loving family & friends who kept me and my Dad in good spirits. Thank you to all the hardworking doctors, nurses, & crew of Cardinal Santos Medical Center who took good care of me and my Dad. Mga bayani kayo and salamat sa lahat ng sakripisyo na ginagawa niyo para sa ating bayan. Most importantly I want to thank God for giving me strength. Definitely this pandemic made me more closer to Him. I promised God that I will come out stronger mentally, physically, & spiritually after this expe­rience. God is good,” ang post ni Enzo kahapon.

Maaalalang naging controversial ang mag-ama,1-PACMAN Party­list Rep. Pineda, nang mag-yes ito para sa denial ng renewal of franchise ng ABS-CBN samantalang sumama pa noon si Enzo sa mga protesta ng Kapamilya stars kaya nag-trending siya.Matagal nang hindi nakakapag-operate ang ABS-CBN sa free channel dahil nga sa hindi pagbibigay ng franchise sa kanila.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with