Soldierâs Heart, finale na!
Gerald at Vin
Soldier’s Heart, finale na!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

Halaga ng pamilya at pagkakaisa ang mangingibabaw sa huling paghaharap ng magkalabang magkapatid sa huling linggo ng A Soldier’s Heart.

Sinubok man ng ilang trahedya at hindi pagkakaunawaan, nagkasundo na ang magkapatid na Alex (Gerald Anderson) at Elmer (Vin Abrenica) para bigyang katarungan ang kanyang namatay na amang si Dante (Rommel Padilla).

Kasama ang kanilang kagrupo na sina Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash Aguas), Benjie (Yves Flores), Phil (Jerome Ponce), Jethro (Elmo Magalona), at Lourd (Sue Ramirez), lulusubin na ng magkapatid ang kampo ni Saal (Sid Lucero).

Ngunit pagdating sa kampo ng kalaban, mangingibabaw pa rin kay Alex ang ninanais nitong pagkakaisa at kukumbinsihin ang kapatid na si Saal na hindi patayan ang solusyon para makamit ang kalayaang inaasam.

Sa kanilang huling paghaharap, ibaba kaya ni Saal ang armas o tuluyang isa sa kanila ang kailangang mag-alay ng buhay?

Samantala, patuloy ang pag-apaw ng saya at lungkot ng mga netizen sa The Final Salute ng A Soldier’s Heart kung kaya nag-trend ang hashtag noong #ASHTheFinalMission nitong Lunes (Setyembre 15).

Napapanood ang A Soldier’s Heart, gabi-gabi sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel tuwing 9:20 PM at iWantTFC.

GERALD ANDERSON VIN ABRENICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with