Dimples muntik hindi matuloy sa TV5
Dimples
Dimples muntik hindi matuloy sa TV5
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

Heto pa ang isang mainit-init na chika kahapon.

Hirap diumano ang TV5 na humiram ng stars sa ABS-CBN.

As in feeling ng isang source, hindi pa maluwag sa loob nilang pakawalan ang stars nila to other networks na pinasikat nga naman nila.

At kabilang pala si Dimples Romana sa muntik hindi ipahiram para sa sitcom niya with Ian Veneracion na ipo-produce ng Brighlight Productions ni former Congressman Albee Benitez.

Ang advice diumano, bibigyan siya (Dimples) ng bagong show sa December.

Kaso sabi raw ni Dimples, ‘eh anong gagawin ko kung wala akong trabaho? I have a family. Paano kung wala akong trabaho up to September.’ Kaya ang ending pinayagan din daw ang actress na sumikat naman talaga sa ABS-CBN.

Si Mr. M (John Manahan), nagpaalam din daw dahil may offer nga to direct a show sa TV5, pero muntik na rin daw hindi payagan, at ang sabi bibigyan na lang din siya ng show.

E kaso kasado na raw ‘yung show nito sa TV5 dahil retired na naman siya talaga sa ABS-CBN.

Bukod sa pagiging director, balitang consultant din si Mr. M ng Brightlight Productions.

Ayon sa huling chika, wala na ngang atrasan ang mga programa ng Kapamilya stars sa TV5.

Kabilang nga raw sa mapapanood starting next month sa TV5 na pamamahalan ni Mr. M and Direk Bobot Mortiz  ang Laugh Out Loud with Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas and Wacky Kiray, Rated Korina with Korina Sanchez, ang sitcom nina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Ureta and Gloria Diaz.

Confirmed na rin daw ang Sunday noontime show nina Piolo Pascual and Catriona Gray na Sunday Nootime Variety Show, ang romantic drama series starring Beauty Gonzales, RK Bagatsing and Yen Santos na I Got You and Sunday Kada Kada Sunday.

Samantala, nanatili namang active ang ABS-CBN sa digital platforms sa kabila ng kawalan ng franchise at kasama sa mga bagong programa ng Kapamilya Channel ang teleserye nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo na magkakaroon ng lock-in taping this week.

DIMPLES ROMANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with