Bea umatras na sa teleserye nila ni Richard!
Bea
STAR/ File
Bea umatras na sa teleserye nila ni Richard!
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

Lulundag din kaya sa ibang network? Magbabakasyon kasama ang ‘dyowa’ sa mamahaling isla

Mapapanood na rin ba sa TV5 si Bea Alonzo? Ayon kasi sa isang source, nag-back out na si Bea sa teleserye nila ni Richard Gutierrez na Kahit Minsan Lang na nakatakda sanang ipalabas sa Kapamilya Channel ng ABS-CBN.

Ang rason daw na ibinigay ng Kapamilya actress, ayaw niyang mag-lock-in sa taping.

Pero ang chika rin naman, nakatakda silang magbakasyon ng nababalitang boyfriend niyang si Dominique Roque sa isang isla na pinupuntahan ng mga sikat at mayayaman.

Sumunod nga kaya siya kay Piolo Pascual sa TV5 na magkakaroon ng Sunday noontime show sa network ni Mr. Manny Pangilinan with Catriona Gray?

Maalalang ni-label ni Bea na fake news ang balita noon na may offer sa kanya ang TV5 na si Mr. Johnny Manahan ang mamamahala under Brighlight Productions ni former congressman Albee Benitez.

Anyway, bago nag-umpisa ang pandemic at hindi pinagkalooban ng franchise ang ABS-CBN, nakapag-umpisa na ng taping ang Kahit Minsan Lang at supposedly ay magre-resume sila next week.

Wala pang formal announcement ang ABS-CBN tungkol dito at wala pa ring official na pag-amin sina Bea at Donimique sa umano’y relasyon nila.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with