Coleen, kakaiba ang tapang

Congrats kay Billy Crawford at Coleen Garcia. Isang baby boy ang anak nila na isinilang sa water method ng panganganak at hindi raw gumamit ng pain killer si Coleen.

Wow, brave heart talaga. Very lucky baby na lahat ng pain tiniis ng ina para sa kanya.

At ang sarap tingnan na nandun sa tabi niya si Billy habang lumalabas ang baby nila.

Ang tatapang ngayon ng mga bagong ina, like si Max Collins na sa bahay lang din nanganak, pero nurse naman ang mister niyang si Pancho Magno kaya kahit paano ay may medical knowledge.

Baby boom din ang showbiz ng mga future generation ng magiging stars.

Bongga.

BB, todo na ang ilusyon

Naku ha, Salve, napanood daw ni Cristy Fermin ‘yung mga hanash ni BB Gandanghari sa YouTube na binabanatan kaming tatlo nila Ogie Diaz.

‘Kaloka, pati kami ginawa niyang Jr. Jonathan na bunga ng ilusyon at pantasya niya sa buhay.

Talaga namang totoo pala na pag sad at walang pumapansin sa iyo, kung anu-ano na ang puwede mong gawing pantasya sa buhay.

Gustong guluhin ni Rustom Padilla ang tahimik at masayang mundo ng lahat, pati si Ai Ai de las Alas binabanatan din niya, wow, gamitan ang laro niya.

Pathetic move.

Totoong for a while marami ang magiging followers niya, pero hanggang kailan may manonood ng pantasya niya? Hanggang kailan niya magagamit ang mga tao na gusto niyang gamitin?

Hay naku, pag laos na, laos na, wala nang relevance. Tumigil at huwag nang mandamay pa ng iba.

Shut up.

Mga Koreano, nag-sorry sa pamimintas

Akala pala nina Boyet at Sandy de Leon  meron tayong konek sa Korea kaya madalas tayong pumasyal doon, Salve.

Balak kasi nina Boyet at Sandy na pag puwede nang bumiyahe, sa South Korea agad pumunta. Na-impress pala sila dahil nang mag-attend sila ng Busan Filmfest ay gandang-ganda sila kaya gusto nilang mapuntahan ang Seoul at Jeju.

Sabi ko pulos package tours ang kinukuha natin at pumupunta lang tayo doon dahil sa ilusyong makakita ng Korean stars.

Eh paano iyan, merong killjoy na Korean na inaaway ang mga Pilipino kaya may Stop Korea campaign, hah hah.

‘Kaloka naman na sabihan tayo na pandak, hindi maganda, at mababa ang pinag-aralan.

Talagang pati ang mga Koreano ay masakit mam-bash, kaya hayun nawindang sila nang magalit ang mga Pinoy. Nag-explain at nag-sorry agad sila.

Naku, kahit saan talaga grabe ‘yang mga sumasali at sumasawsaw sa issue. Dahil lang sa bashers ay mawawala ang love ko kay Jo In Sung, Nam Jo Hyuk at Kim Woo Bin, hindi uy, walang puwedeng pumigil sa love ko, ipaglalaban ko, hah hah hah.

Show comments