Show ni Kris kanselado na, apat na laging kasama ni Bimby nag-positive sa COVID-19

Kris

Nanggaling na mismo kay Kris Aquino ang impormasyong hindi na matutuloy ang programang gagawin niya sa TV5.

Nasa Instagram account niya ang pahayag na hindi na ito matutuloy at hindi pa talaga para sa kanya ang pagkakataong makapag-host uli ng isang TV show.

Isa rin ako sa nalungkot at nanghinayang dahil karapat-dapat naman talagang magkaroon na ng sariling talk show ang matagal na ring nagri-reyna sa talk show.

“This is a life update post I wish I didn’t have to make, BUT it’s something I’m facing up to in order to truthfully move on…my hoped for TV comeback isn’t happening, the producer chose somebody else he and his sales team felt was more viable. No sugarcoating from me, you’re getting the honest truth.”

Apat na pages ang post niyang iyon na kung saan ibinahagi rin niyang apat na taong madalas na kasama ng bunsong anak niyang si Bimby ay nag-positive sa COVID-19.

Naka-recover na raw ang tatlo at ang isa ay hindi pa.

Kaya nagpa-swab test na raw silang mag-ina na ikinatakot niya dahil asthmatic si Bimby at siya naman ay mahina talaga ang immune system.

Mabuti na lang at nasa Tarlac daw si Joshua noong nagkaroon ng exposure sa mga nag-positive kaya safe ito pati ang mga kasama niya.

Lumabas ang resultang negative sila ni Bimby pero kailangan pa rin daw nilang mag-quarantine na mag-ina dahil high risk nga sila.

Bahagi ng post niyang iyon: “We strictly isolated for 2 weeks, we has the ECLIA test done to be sure we weren’t asymptomatic, and again we were negative. In the big picture of life, we are still fortunate.”

Tama nga si Kris! Sa rami ng kanegahan na dumating sa kanyang career, pati sa kalusugan niya, mabuti na ring pati sa COVID-19 ay negative na rin.

Wala naman siyang kailangang patunayan pa kung hindi pa rin matutuloy ang show niya.

Sa panahon ngayon, mas mahalaga talaga ang kalusugan at iyon na ang ipinagpapasalamat niya sa Diyos.

Young actress pinagmalisyahan sa paghingi ng tulong sa tatay ng ex

Dala na rin ng hirap na pinagdaanan natin sa pandemyang ito, hindi

maitatangging hirap na ang karamihang artista dahil sa wala pa ring trabaho ang karamihan.

Kagaya nitong si magandang young actress, hindi naman siya sikat na sikat pero hindi naman siya nawawalan ng trabaho at napapag-usapan siya noon dahil sa pakikipagrelasyon niya sa anak ng sikat na celebrity couple.

Nag-break na sila pero naging malapit na raw si young actress sa magulang ng dating boyfriend.

Aminado si young actress na hirap na siya ngayon dahil walang raket at may mga hinahabol ng bayarin na bills.

Kinapalan na ni young actress ang mukha niya at nag-text siya sa tatay ng dating boyfriend na kilalang male celebrity.

Sinabi niyang kailangan niya na ng pera dahil may mga kailangang bayaran.

Sabi nga ng karamihan, nangungulit na si ‘judith’ (due date).

Naawa rin naman si male celebrity, ipinarating niya sa kanyang asawang mabait naman at kilala rin sa showbiz.

Kaagad nagpadala ang asawa ni male celebrity ng P100,000 kay young actress.

Sabi lang ng ibang taong nakaalam sa pag-text ni young actress kay male celebrity, bakit doon siya sa tatay nag-text na puwede naman niyang iparating sa nanay.

Namamalisyahan daw tuloy sila kasi mabait naman ang mag-asawang ito, pero parang iba lang daw ang dating  nang humingi siya ng tulong sa tatay na puwede naman siyang lumapit kay nanay na mabait din sa kanya.

Pero hindi na ito isyu sa kanila. Tinulungan na rin ng mag-asawa at ang nanay na mismo ang nag-asikaso na padalhan siya ng P100,000.

Hindi na nila ito ipinarating sa kanilang anak na dating boyfriend ni young actress.

Ewan ko lang kung hindi pa rin alam ng dating boyfriend.

Show comments