Vivian ayaw ibigay ang retirement pay ni Leo Martinez?!

Vivian

Hindi sumasagot si Vivian Velez sa text namin tungkol sa ilang sinawsawan niyang isyu.

Ang latest naman ngayon ay ayaw niyang ibigay ang natirang retirement pay ng dating Film Academy Director General Leo Martinez.

May dahilan siya kung bakit ini-hold niya, pero ipinarating na ito ni Leo sa Malacañang.

Siguro maaayos na lang nila iyon sa ma­buting usapan at kung masusunod ni Leo ang ilang requirements na hinihingi at kung masasagot ni Leo ang ilang katanungan ni Vivian.

Pero nakakalungkot lang dahil sa nagkakahati-hati na talaga hindi lang sa mga taumbayan kundi pati sa showbiz na dapat nagkakaisa.

At nahaluan na ito ng pulitika.

Iyon nga ang sabi nina Jimmy Bondoc ng PAGCOR at ni Arnelli Ignacio nang nakapanayam namin tungkol sa mga komento ni Vivian na hindi ikina-react ng ilang netizens.

Kagaya noong nagsalita si VP Leni Robredo, ang pinansin ni Vivian ay ang look nito na para magmukhang kagalang-galang daw ang look na sinabi ng FAP director-general na isang uri ng political branding lang daw ang ginawa ng bise presidente ng bansa. “Ang talagang malinaw sa akin is that meron talagang laban ngayon, it’s a war.

“Sa totoo, nakikita ko kung saan nanggagaling itong katulad nga nina Vi­vian dahil nga sa giyera at tingin natin kunyari man foul itong ginawa ni Mam Vivian, napakadami rin kasing foul na nangagaling sa kabila.

“So minsan it’s already a vicious cycle na napakahirap itigil.

“That’s politics. Pero minsan hindi ko rin masisi dahil minsan nauudyok, napu-provoke.

“Ang hindi lang natin puwedeng sabihin na si Mam Vivian ang nagsimula niyan. It is probably a chain reaction ng napakaraming basagan.

“Sa pagkakilala ko kay Vivian, napakabuti niyang tao. She’s very smart. Pero siguro katulad ng napakadaming tao napu-frustrate din minsan. Nakikita niya kasi ang motibo ng ibang PR campaign. Kaya naiinis na siya. Pero that’s politics. Wala na tayong magagawa,” pagtatanggol ni Jimmy kay Vivian.

Show comments