Kathryn naghahanda na sa gagawing sitcom, nag-aaral ding mag-invest sa lupain
Kathryn
Kathryn naghahanda na sa gagawing sitcom, nag-aaral ding mag-invest sa lupain
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2020 - 12:00am

Malapit nang simulan ang taping ng bagong proyekto ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN. Isang digital sitcom (situational comedy) ang pinaghahandan na ng aktres ngayon. “May inaayos kami actually under ABS, ‘yon ‘yung gagawin namin. Mag-start na kami i-tape ‘yung ilang episodes,” kwento ni Kathryn.

Nakansela na ang pelikulang gagawin dapat ng aktres ngayong taon dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “May mga pina-finalize pa kung ano ‘yung magiging plans for the movie kasi na-cancel siya because of covid. Kasi out of the country ‘yon and parang hindi magandang timing ngayon to make a movie. So basically, ‘yun pa lang sitcom,” giit ng dalaga.

Samantala, isang bagong bahay ang ipinagagawa ni Kathryn ngayon para sa kanyang buong pamilya. May ilang negosyo na rin ang aktres dahil natutunan nitong magpundar sa tulong ng kanyang ina. “Biggest investment ko recently ay ‘yung bahay. Investment ko iyon pang-habambuhay. Si mama tinuturuan niya ako on how to invest sa lands. Kasi ‘yan ‘yung mga tumataas (ang value) over the years. So I think, very wise ‘yon na mag-invest ka ng mga gano’ng bagay,” pagbabahagi ng aktres.

Mccoy: ‘Hindi maganda ang katawan ko, hindi ako sexy!’

Nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency si McCoy de Leon na nagmula sa Star Magic. Hindi pa umano alam ng aktor kung magkakaroon siya ng bagong katambal sa mga proyektong gagawin. Kahit usung-uso ang BL (boys’ love) series ay hindi rin daw kayang gumawa ni McCoy na ganito ang tema. “Dati pa meron na ring nag-offer sa akin ng ganyan. Before pa mag-quarantine and during quarantine. Siguro sa akin, hindi ko muna naisip eh, parang hindi po siguro ngayon, pero siguro in time. Kung gagawin ko man ‘yon, gusto ko ‘yung ramdam ko at gusto ko na talaga,” pagtatapat ni McCoy.

Para sa aktor ay maraming paghahanda ang kailangan niyang gawin kapag gagawa na siya ng isang BL project. “’Pag ready na ako gumawa ng gano’n, in time, walang magiging limitations ‘yon kung saka-sakali. Kasi kung merong limitation ay masisira ang istorya, masisira ‘yung flow ng kung ano man ‘yung dapat mangyari sa series kung merong gano’n,” paliwanag ng binata.

Ayon kay McCoy ay hindi rin niya kayang magpaseksi o magpakita ng katawan para sa mga bagong proyektong gagawin sa Viva. “Hindi po maganda ang katawan ko. Hindi rin ako sexy. Hindi naman agad-agad na meron akong bagong maipapakita dito sa Viva. Wala pa naman kasi talaga kaming napag-uusapan. Nasa stage pa lang din kami na ie-explore nila kung ano ‘yung kaya ko at pwede ko pang gawin and at the same time ini-explore ko pa din sa sarili ko kung ano ‘yon,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with